16 Replies
Siguro kelangan niyong mag usap na dalawa sis. Iopen up mo sa kanya yan. alam ko magulo pa isip mo at nasasaktan ka siyempre pero kailangan mong magpakatatag para kay baby. Kung sa masinsinang pag uusap eh walang nangyare its time for you to decide kung anong mas makakabuti sa inyo ni baby. Yang sakit lilipas din yan. Dapat mas isipin mo si baby. Btw halos same situation lang din tayo, 37 weeks preggy ako and nalaman ko laging may kausap mister ko lalo na pag may problema kami ayun nung nalaman ko gusto niya makipaghiwalay na then kinausp ko ung girl sabi nung girl wala daw sila relasyon dahil may 3 anak at asawa din siya. Ayun after ilang weeks sabi ko sa mister ko uuwi nalang ako sa mother ko kasama ung panganay namin kanya kanya muna kasi kako masakit na masyado eh sabi ko pag sasabihan ko nalang siya kung manganganak na ko. After ko sabihin sa kanya lahat lahat ng saloobin ko siya din nagsabi na ayaw niya makipaghiwalay eh sabi ko pagod na din ako. Ayaw naman niya pumayag. Cheer up sis! Kaya mo yan di ka naman bibigyan ni Lord ng problema na di mo kayang lampasan eh.
"Theres a rainbow always after the rain" Be strong girl! 😊 Kung ayaw mo ishare sa fam mo, then need na maging malakas ka. It is okay to feel sad and cry. Pero after that, punas luha then awra! Breakdown saglit tapos fight ulit sa life. Kung nandyan ka na sa sitwasyon na yan for me, I suggest na magtiis ka muna sa poder nyang gago mong jowa. Remember, magiging mommy kana. Si baby muna ang intindihin mo. Tiis ka muna for now, pabayaan mo sya sa kachat nya. You are precious, kaya wag kang maghabol sa kanya. Practically speaking, sustento nalang ang ihabol mo sa kanya. Dont beg for his love. Kung may iba edi ibigay mo sa iba, kung mahal ka edi ikaw lang sana ang nasa isip nya. Alam mo nararamdaman ni baby nag nafefeel mo. Pag sobra kang nastress makakasama sa kanya, pede pa mag cause ng pagkalaglag nya. Kaya dont stress out things. Maging praktikal ka na muna sis. Always think kung ano ang makakabuti kay baby. Ang pray palagi for guidance and a healthy baby.
Mas ok sabihin mo family mo, baka matulungan ka nila , for me kapag nanganak kana at di pa sya nagbago makipaghiwalay ka na , kesa nasasaktan ka maraming lalaki at tatanggapin ka kahit may anak ka 。. Nung una ayaw pa ng partner ko magkaanak kami pero may anak na sya sa una niyang asawa at hiwalay na sya chinese sya . Pero nung nabuntis ako wala rin namn syang nagawa , baby ksi to at alam nyang blessing . Pero kahit hindi nya to nun panindigan ok lng namn kahit wala sya atleast my baby ako na magbibigay ng lakas sa akin . At nanjan ang family ko para tulungan ako kahit di nya panindigan, 34 na sya ngayun ako 20 . Nakilala nya ko 18 yrs old ako. . ,pero im thankful kasi pinanindigan nya namn . Wag kang magsettle sa relasyon masasaktan k lng . Much better na sabihin mo sa family mo ,kasi sila lng namn makakatulong sayu , and pray ka sis. 🙏isa.din sya sa makakatulong sayo . ☺
I'd suggest kausapin mo sya. Bigyan mo ng ultimatum na kapag hindi sya tumigil at nagbago BAGO LUMABAS UNG BATA then lalayasan mo sya at hinding-hindi nya na kayo makikitang mag-ina at hindi mo rin ipapangalan sa kanya ung bata. Anyway mukhang hindi naman kayo kasal so ipagpasalamat mo un. Worse comes to worst it won't be difficult LEGALLY to walk away. E halimbawa hindi sya nagbago bago ka manganak, kausapin mo family mo para may pupuntahan ka then layasan mo. Wag kang magpapa contact sa kanya. Block mo sya sa lahat-lahat ng social media accounts mo, pati sa phone mo para alam nyang seryoso ka sa sinasabi mo. Kasi hanggang hindi mo sya sina-sample-an hindi yan maniniwala
Im so sorry to hear that sis.. Been there,. Alam na alam ko ung feeling na gustong guato mo maka alis pero hindi mo magawa kasi wala ka mapuntahan.. Ang sakit and ang bigat sa puso... Pano ko nalampasan? Nag bago sya after nun kasi sabi ko iiwan ko na sya and never nya makikita anak nya mas lalung dko ipapangalan sa knya.. Nag usap kame ng malupit nun, well thank God umokey.. Try mo rin kausapin para gumaan loob mo..
Be strong sis. Mag pray ka po. Lakasan mo lang ang loob mo for your baby. Super need mo ng makakausap. Try to talk to your friends... Para medyo ma ease yang nararamdaman mo. Kapag medyo okay ka na, talk to your hubby. Bigyan mo ng ultimatum. Don't stress yourself too much. Naiistress din si baby sa loob ng tyan mo.
mas okay kung sabihin mo nalang sa family mo kasi kahit ano pa yan maiintindihan ka nila, kesa mag stay ka dyan kasama ng father ng anak mo lalo na alam mo na ngayon yung totoo maiistress ka lang. Pero syempre nasayo padin yung desisyon :)
Ganyan din ako nung buntis ako sobrang sakit nung mga nabasa ko parang wala kang kalaban laban kasi buntis ka hindi mo pwede makonpronta yung girl kasi nga buntis ka.kaya ako ngayon para akong natrauma mag buntis
It is better to open up with ur family most esp. Cla ang makakatulong sau. Ask for their help. Sila ang higit na mkakaintndi at tutulong sau. Be strong mamsh for your baby.
If open ka naman sa family mo tell them para lumuwag pakiramdam mo.. Nkakatakot un risky un pregnancy mo then ganyan... Isipin mo din si baby.. Kaya nyu yan 😊😊