I don't know kung paano ko isi-share 'yung nararamdaman ko now. Am 3 months preggy and yes, I'm single mom. Complicated ang situation namin ng father ng baby ko kaya hindi kami magkasama at tanging tawag lang sa phone araw-araw ang komunikasyon namin. I feel okay and contented na rin sa ganu'ng set up kaso maraming time na hinahanap ko rin 'yung physical appearance niya lalo na kapag may mga lakad na patungkol kay baby, like check up.. Nalulungkot ako to the point na naaawa ako sa baby dahil pakiramdam ko ako na lang 'yung meron siya kaya 'di pwedeng maging mahina ako kase kahit sarili kong family di buo na tanggap 'yung baby ko, nu'ng una nag-advice pa sila na ipalaglag ko 'yung baby kaso umiyak ako ng umiyak at sinabi kong ayaw ko kaya po ngayon kahit may nararamdaman ako o may mga bagay akong gusto na related sa pagbubuntis ko, di ko maopen ng madali sa kanila dahil kapag ginagawa ko po yun lagi nila pinapaalala sakin yung pagkakamaling ginawa ko kaya ako nabuntis at yun rin po ang dahilan kaya mas pinili ko na kapag magpapa-check up ako ay hindi na magpasama dahil hindi rin po sila nagpapakita ng interest para samahan ako at since kaya ko naman po magpunta sa clinic ako na lang ang lumalakad mag-isa.
Kaso po napapadalas lately yung pag o-overthink ko lalo na kapag malapit na ako manganak, hindi ako sure kung sino ang mga makakasama ko sa araw na yun pero kung sakali sana kayanin ko naman pong mag-isa. Madalas akong panghinaan ng loob everytime na nararamdaman ko na di tanggap ng buo ng family ko yung magiging anak ko.
Sorry po kung dito ako nag-open. But thank you for reading.
Beatrice Anggoy