EBF ❤

i copied this to BFP group on facebook. Posted by Ms. Caitlin Ong. ? Ang EKSKLUSIBONG PAGPAPASUSO kay Baby Eksklusibong pagpapasuso (Exclusively Breastfeeding or EBF) Walang ibigay sa unang anim na buwan, maliban sa gamot kung kinakailangangan ni Baby Sa UNANG ANIM NA BUWAN Hindi kailangan ng tubig, tsaa, juice, am, bitamina, pormulang gatas at iba pang pagkain Mga Dahilan ng Pagpapasuso ng Tama, Sapat at Eksklusibo •Kumpletong pagkain ang gatas ng ina. •Hindi kailangan ang bitamina. •Maaring humadlang ang iron vitamins ng pormulang gatas sa pag-absorb ng iron sa breastmilk. •Humigit kumulang 80% tubig ang gatas ng ina, kaya hindi na kailangan ng dagdag na inuming tubig. •Hindi pa hubog at hindi pa handa ang tiyan ng sanggol sa pagtunaw ng am, lugaw, tsaa, juice, biskwit at iba pang pagkain lalo na ang pormulang gatas. •Puno sa sustansya ang gatas ni Nanay. Si Baby kung pinasuso ni Nanay ay... •Mas matalino kasi ang gatas ni Nanay ay nakakatulong sa pag-unlad ng utak (brain development) at pagpapabuti at pagunlad ng kamalayan (cognitive development). •May proteksyon sa impeksyon gaya ng pagdudumi (diarrhea), polmunya, impeksyon sa tainga, trangkaso, meningitis at iba pang sakit. •May panangga sa mga sakit gaya ng dyabetes, ulcerative colitis at iba pang sakit. •May proteksyon laban sa allergies. Si Baby na pinasuso sa unang oras ng buhay, ay nakainom ng kolostrum na siyang nagsara ng malilit na butas sa "lining" ng bituka (seal the gut) kaya nagkaroon ng panangga sa allergies. Si Nanay, kung nagpapasuso, ay... •Mababa ang peligro, o risk, na magkaroon ng pagdurugo pagkapanganak (postpartum hemorrhage. •Mas mahabang panahon na hindi mag-ovulate. •Mas madaling magpasuso ng gabi. •Makapagpraktis ng natural child spacing may 98% proteksyon si nanay sa pagbubutis pag eksklusibong nagpasuso sa unang anim na buwan. •Mas maraming pahinga •May espesyal na bonding kay Baby •Bihirang lumiban sa trabaho kasi bihirang magkasakit si Baby •Makatitipid sa gastos ng pormulang gatas, tubig at gas at iba pang mga gamit na kinakailangan sa pagpapainom ng pormulang gatas. Unang Yakap, Unang Oras Ng Buhay (Essential Newborn Care Ito ay isang programa ng ating bansa na naglalayong masagip ang mga sanggol sa unang oras ng buhay •Kailangang magsimulang pasusuhin ang sanggol kaagad. •Sa loob ng isang oras hayaang nakadapa si baby sa tiyan ni nanay. •Alalayan si baby patungo sa dibdib ni nanay para sumuso. •Ito ang tamang oras o panahon para simulan ang eksklusibong pagpapasuso kasi gising na gising si baby. •Sa paglapat ng katawan niya kay nanay nagdudulot ito ng tamang init na kailangan ng katawan ni baby. •Sa agarang pagpapasuso mabilis ring lumiit ang matris ni nanay at nababawasan ang labis na pagdurugo. Para maisakatuparan ang Unang Yakap, Unang Oras ng Buhay, ang nagpapaanak kay Nanay ay kailangang sundin ang mga kahilingan ng Nanay … •Tuyuin nyo po ng mabuti ang baby ko at ilagay kaagad sa aking dibdib. •Hayaan po kami ni baby na magkayakap hanggang siya ay handa ng magsuso sa akin. •Huwag niyo po bigyan ang baby ko ng tubig o iba pang inumin kung hindi pa siya nakasuso sa akin. •Huwag niyo po i-suction ang baby ko kung hindi kinakailangan. (Source: Gabay sa Nanay sa Tamang Pagpapasuso, DOH & WHO)

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Tama po lahat yan. Kaso meron akong alam n hospital hindi mother ang child friendly. May nursery room cla, tpos bawal ka magpasok or magdala ng feeding bottle at formula milk. Pero s nursery room pinapadede nla ang baby ng formula milk.. naranasan namin yan kay baby kaya pag uwi ni baby after 6days ndi nya na kilala ung dede ng misis q.

Magbasa pa

UP!!❤