Matigas na ulo na toddler

Hello! I badly need your advice regarding sa first born ko. She's 3 yrs old. Tingin ko, lumalaki sya masyadong matigas ang ulo at spoiled Pag di nya nakuha gusto, grabe iyak na minsan nakakahiya lalo na pag nasa public area kami. Kung sumagot sya, pabalang. Na 'NO! ". Or i don't like. Palaging sumisigaw. We live in my in-law house at tingin ko, nasspoiled sya masyado ng lolo at lola nya. Wfh kami mag asawa at nakikita namin paglaki nya, pero, ang hirap disiplinahin dahil na rin sa inlaws ko. Kinausap ko na si hubby about this at sinasabihan nya rin naman parents nya. Pero since 1st apo sya, may mga times talaga na nabibigay lahat ng gusto nya. Lately, natuto na rin sya mamalo. Hanggat maaari, ayaw namin sya saktan or daanin sa palo kaso sobra na talaga. Minsan, napapa backout na lang ako sa kanya kesa masaktan ko sya. Ayaw ko lumaki syang spoiled, matigas ang ulo at entitled.. please tell me what to do. dahil ba to sa grandparents nya? Or kami ang may kasalanan. #firsttimemom #pleasehelp #advicemommies

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maaari nga po na dahil sa in laws kaya naispoil, but it's ultimately our responsibility as parents to raise and discipline our children. Ganun po talaga, anuman mangyari, nasa ating mga magulang ang sisi 😢 I think if mas may influence ang in-laws kaysa sa inyong mag-asawa, then kailangan din nating tanungin, why is that? Isipin rin po natin ano ang mga pagkukulang natin. Sa mga bata rin kasi, love = attention. Kahit anong pangi-spoil ng in-laws, nasa atin pa rin ang pagtuturo sa ating mga anak kung ano tama o mali. Kasi kahit na walang pakialamerang inlaws, kapag nag-school sila, they'll have outside influences din dun, so we have to teach and guide them pa rin. Pero more on giving logic and explanations, pagdating sa toddlers, what we really need to do is to appeal and sympathize with their emotions. Alam naman nating kapag naka-full blown tantrums na ang bata, no amount of explanation can appease them. Yung paninigaw o palo ay parang shock factor na lang to get their attention or distract them, but it doesn't really solve the problem. I highly recommend that you look up "Dr. Siggie Cohen" on social media. She's a child development specialist at ang gaganda ng mga advices nya on how to discipline children. So ang advise ko po, bukod sa pagkausap sa inlaws, ay do your best rin po para kunin rin ang loob ng anak nyo. Learn how to instill discipline not just through fear but love and respect. Mahirap po ang situation nyo, pero don't put all the blame on others dahil may responsibility rin po tayo ☺️ Unfortunately, we can't really control other people's actions (inlaws'), only our own. You might also want to consider ang pagbukod.

Magbasa pa
1y ago

totoo po ito para sa mom na nag-post, since hindi tayo nakabukod at kanilang bahay yun, unfortunately mangyayare talaga yan at expected yan. Kung gusto natin na sarili nating pagpapalaki, bukod tayo. Ngayon kung di kaya ng money bumukod, tama ang sinabi nitong nagcomment na do our own research pano kunin loob ng anak natin. And ayun bata pa po yan, normal ang tantrums sa mga bata, too early para sabihing spoiled kasi minsan talagang nasa personality ng bata yung pagiging iritable, baka phase lang yan at maging ok din sya pag nagschool.