Matigas na ulo na toddler

Hello! I badly need your advice regarding sa first born ko. She's 3 yrs old. Tingin ko, lumalaki sya masyadong matigas ang ulo at spoiled Pag di nya nakuha gusto, grabe iyak na minsan nakakahiya lalo na pag nasa public area kami. Kung sumagot sya, pabalang. Na 'NO! ". Or i don't like. Palaging sumisigaw. We live in my in-law house at tingin ko, nasspoiled sya masyado ng lolo at lola nya. Wfh kami mag asawa at nakikita namin paglaki nya, pero, ang hirap disiplinahin dahil na rin sa inlaws ko. Kinausap ko na si hubby about this at sinasabihan nya rin naman parents nya. Pero since 1st apo sya, may mga times talaga na nabibigay lahat ng gusto nya. Lately, natuto na rin sya mamalo. Hanggat maaari, ayaw namin sya saktan or daanin sa palo kaso sobra na talaga. Minsan, napapa backout na lang ako sa kanya kesa masaktan ko sya. Ayaw ko lumaki syang spoiled, matigas ang ulo at entitled.. please tell me what to do. dahil ba to sa grandparents nya? Or kami ang may kasalanan. #firsttimemom #pleasehelp #advicemommies

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

normal lang po yan dumadaan talaga sa stage ng ganyan kausapin mo lang mi minsan pag sabihan mo den ganon lang ginagawa ko sa anak ko medyo ok na sya ngayon sumusunod na at di na palasigaw lagi ko lang sya kinakausap ng masinsinan par fi sya matakot saken

VIP Member

Same problem sa toddler ko. WFH din kmi mag asawa pero sa umaga tulog na kmi kaya yaya at lola ang nag aalaga saknya maghapon. Grabe ang tigas ng ulo sa lola at yaya niya. pero pag sa amin naman ng asawa ko takot siya at sumusunod.

nasa bata yan mie... need mo lang tlaga mag isip ng technic to get your childs atention...much better kausapin... bigyan ng punishment or reward tactic parang ganun..tapos lagi niyo lang ipaintindi sa kanya why is why...

VIP Member

nasa terrible twos and threes sila ma. nagbabago din daw yan. pero be firm sa instruction para ma manage nya ang tantrums wag na wag ibibigay ang gusto kasi magkaka idea sila na pwde pala yun