Matigas na ulo na toddler

Hello! I badly need your advice regarding sa first born ko. She's 3 yrs old. Tingin ko, lumalaki sya masyadong matigas ang ulo at spoiled Pag di nya nakuha gusto, grabe iyak na minsan nakakahiya lalo na pag nasa public area kami. Kung sumagot sya, pabalang. Na 'NO! ". Or i don't like. Palaging sumisigaw. We live in my in-law house at tingin ko, nasspoiled sya masyado ng lolo at lola nya. Wfh kami mag asawa at nakikita namin paglaki nya, pero, ang hirap disiplinahin dahil na rin sa inlaws ko. Kinausap ko na si hubby about this at sinasabihan nya rin naman parents nya. Pero since 1st apo sya, may mga times talaga na nabibigay lahat ng gusto nya. Lately, natuto na rin sya mamalo. Hanggat maaari, ayaw namin sya saktan or daanin sa palo kaso sobra na talaga. Minsan, napapa backout na lang ako sa kanya kesa masaktan ko sya. Ayaw ko lumaki syang spoiled, matigas ang ulo at entitled.. please tell me what to do. dahil ba to sa grandparents nya? Or kami ang may kasalanan. #firsttimemom #pleasehelp #advicemommies

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

nasa sa inyo parents na po ang pagdidisiplina sa bata..tumira din po kami sa parents ko non simula nanganak ako hanggang 6 years old siya nag siset po ako ng boundaries sa parents ko pagdating sa bata kahit hanggang ngayon..pag dinidisplina ko ang anak ko ayoko na umaawat sila kasi napapansin ko pag ang bata pag dinidisiplina tas may kumakampi may time na hindi na sila nakikinig kaya kinakausap ko na sila pagdating sa ganong bagay..1st apo rin po ang anak ko both sides..nakabukod na kami pero ganon pa rin po ang set up namin..pagdating talaga sa bata dapat firm tayo sa pagdidisiplina sa kanila kasi baka darating yong time na hindi na sila makikinig..it's a long process pero kailangan talaga pagdating sa bata ☺

Magbasa pa