66 Replies
Normal po yan momsh, nabibigla po kasi ang katawan natin from the sudden change of hormones natin. Iba iba po ang response ng katawan natin, sakin po on my first trimester, suka din po ako ng suka, walang pinipiling time even at night. Try mo kumain momsh ng dry foods especially sa umaga to losen your appetite, the rest of the day naman kainin mo lang yung nasisikmura mo. Small frequent meal momsh, iwasan mo din matrigger yung pagsusuka mo. Ako dati pag nakakaamoy ako ng ayaw ko sumusuka talaga ko. Kain ka ng fruits din mamsh, apple at oranges ang hiyang ko, try mo hanapin yung sayo, sabayan mo na din ng maternity milk para sa nutrition niyong dalawa ni baby. Stay hydrated, kung di mo kaya ang tubig, pwede po ang Buko na walang laman ❤ mas okay po ang buko instead of gatorade, masyado po kasing acidic ang gatorade.
Ganyan po kadalasan pag 1st trimester. Ako po bumagsak timbang ko kasi halos wala na akong makain na matino, lahat sinusuka ko miski water at milk. Gatorade is fine, sinuggest po yan sakin ng OB ko para di ako madehydrate. Try mo pa din po kumain kahit konti, tsaka kung natatake niyo po magmilk. Sakin po kadalasan dry crackers ang natatake ng katawan ko. Skyflakes po ang best friend ko nung 1st trimester hehe.. Wag din po kayo babangon agad pagkagising kasi mas magtitrigger ng pagsusuka. Magtabi ka po ng biscuit malapit sa higaan para within reach mo, dahan dahan lang ang pagtayo at kain ka muna bago ka fully tumayo.
Nung first trimester ko sis un water na may lemon or lemon juice nakakapagpaalis ng feeling na nasusuka aq...though hndi lage kasi may times na sumusuka prn aq lalo pag umiinom aq ng vitamins...sb ni ob pede kang kumain ng ice cubes pag nasusuka ka mas ok daw sa candy (though nagcacandy aq pg wala ng ice cubes 😅) Bsta try mo po kumain kahit small portions lang gulay at prutas. Pag tungtong mo ng 2nd trimester makakabawe na un katawan mo 😊
Same po tayo, 10 weeks ako ngayon pero kahit tubig ayoko uminom kasi lalo ako nasusuka pero pinipilit ko pa rin at baka madehydrate ako.. small and frequent meals lng talaga para di mabigla tyan mo at isuka lng lahat ng kinain mo. Skyflakes din tlga nakatulong saken at fruits un nkakayanan ko kainin, try ice cubes din po ang ginger pg nasusuka ka na.. malalagpasan din naten to mumsh tiis lng para kay baby 🤗
All through out the day ka ba nagsusuka? Kasi, kung ndi naman, may oras na ndi ka nagsusuka dun ka kumain ng BLAND. Ibig sabihin less flavored foods or less irritant foods. Such as crackers, ginger tea, mint tea, bananas apples and non spicy or sour foods. And mas best parin ang Water and fruits kesa Gatorade. (Read the label of gatorade) di naman sa bawal, but artificial minerals kasi ang ginagamit.
Gan'yan din po ako nung 1st month ko. Nagagalit na sa'kin asawa ko kasi 'di ako nakakaramdam ng gutom. Pinipilit n'ya ako kumain. Eh, sa ating preggy na walang gana kumain, nakaka-stress na pilitin ka sa ayaw mo, 'di ba? Ang ginawa ni hubby ko, bli-nend n'ya 'yung fresh fruits. (Dahil mahilig ako sa beverage.) He bought imported healthy drinks and biscuit na no flavor. Ayun, napakain n'ya naman ako.
Momsh ganyan din po ako dati try mong kumain kahit crackers lng pwede rin pumapak ng ice cubes nkakabawas din ng pagsusuka sabi ng OB ko okay nman.Tapos kain ka lng small frequent meals every 2 hrs .Lahat kc ginagawa ko din nung first trimester ko super maselan din po ako kaya nmayat .Mawawala din yan ngayon nagsusuka pa rin nman ako pero di na tulad dati at nkakain na rin 17 weeks na rin FTM.
Ganyan din ako dati.. Gutom na gutom ako pero sobrang wala kong gana kumain..pag nasa harap ko na ang food ayoko na kumain..isang subo lang naayaw at nasusuka ako.. Ginawa ko puro fruits lang ako..kasi yun lang nakakain ko ng ayos. Lilipas din yan sis. Kain ka lang ng gusto mo after ng first tri mo babawi katawan mo.magiging matakaw kana.God bless..kaya mo yan
Naku momsh, normal yan for some preggy. Me too, same experience. Lahat halos inusuka ko pero kaya ko un lugaw plain lang walang kahit anong halo. 2-3 kilos ata nawala sakin nung 1st trim ko kasi lahat sinusuka ko. Even my vitamins nga eh kaya hirap na hirap ako. I discussed it with my OB so pati oras ng paginom ko ng vit, naka plan talaga.
Ganyan din ako nag stop lang 6 months na chan ko hehe Gatorade lang din iniinom ko ung yellow kasi pag iba sinusuka ko lng din. Kahit ano kainin ko o inumin sinusuka ko lng as in. Thanks God mag 2 months na si baby ko. Try mo po kumain tas puro sabaw pag sinuka mo kain ka ulit. Ga yan ginawa saakin ng mil ko. God bless sayo ng baby mo 😊
Maryben Samson