Suggestions, Tips and Advice.

Pasensya na if mahaba, 1st time ko po kasing hihiwalay sa parents ko. I am 3 months preggy na mga momsh and hindi pa kami nagsasabi ng bf ko sa both sides namin. Ang plano kasi namin kapag sinabi na namin, eh yung ready na yung pangbukod namin kahit sa maliit na bahay lang. Pareho kasi naming ayaw makitira/makisama sa parehong pamilya namin kapag meron na kaming sariling pamilya. So far hinihintay nalang namin yung pangdown sa bahay dahil ready na din kami makalipat agad after naming mag-announce. I'm all good with this idea pero at the back of my mind medyo iniisip ko din kung paano magiging set up namin sa house since preggy ako at wala akong balak magstop sa pag-aaral. Kaya ko bang alagaan sarili ko mag-isa kapag nasa work si hubby? Kung meron man po kayong tips, suggestions or advice na maibibigay that would be much appreciated! Also meron po ba kayong routine na sinusunod araw-araw? Para po maiwasan ang ang sleep deprive. Kasi kapag pagod ako o masakit ang ulo, natutulog ako agad sa umaga. And ending nasisira yung tulog ko sa gabi at puyat naman ako maghapon. ☺

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi as a first time mom mahirap mag alaga ng baby lalo kung ikaw lang maiiwan sa bahay, as in kayo lang dalawa ni baby. Maraming pinag dadaanan ang mga newborns na dapat maibigay mo sa kanya lalo pag breastfeeding ka, tendency ng mga babies is super clingy sila. Payo ko lang wag ka makikinig sa iba na sinasabe eh baka masanay ganito ganyan.no ibigay mo needs ng baby. Anyways mas maganda kung may makakatuwang ka sa pag aalaga lalo pala mag aaral ka...kanino mo balak iwan ang bata kapag ikaw eh nasa school. Kapag mag dedesisyon ka unahin mo kapakanan ng bata. Nasasayo yan kung ano mas madali para sayo pero mas unahin mo kung ano mas makakabuti sa anak mo

Magbasa pa
5y ago

Bakit ka naman mahhya kung makakatapos ka naman sa pag aaral mo. Hadlang ba na maging masaya ka..papaano man eh magkakaroon ka din ng sarili mong pamilya. At eto na nga yun...tanggapin mo nlng muna kung ano sasabhn nila sayo hanggang salita lang naman sila and magulang din sila...sympre naisip din nila na kakagraduate lang eh magpapamilya na agad, naisip din nila eh sana maenjoy mo muna ang pagtatapos mo. Pero dahil anjan na si baby at yan ang pinlano nyo ng partner mo panindigan nyo na. Magiging magulang ka nadin. Dadating din sa punto na maiintindihan mo sila dahil ang gusto lang nila ay para sa ikabubuti ng anak nila. Sa ngaun sa tingin ko hndi mo talaga kakayanin mag isa. Better na mag sabe ka na sa parents mo para may maibigay din sila payo sa inyo or much better maka tulong sa inyo.

Kung close ka sa side mo mas ok n jan ka muna okya mag rent kyo mlapit sa inyo.. Mahirap mag buntis ng ikaw lng. Lalo pg nanganak k mahirap mag isa khit pa 2 kayo ni bf mo.. Promise! Danas ko yan sa ibng bansa p kami. Hlos mbaliw ako eh kya nag give ul a sa work ko tas umuwi kmi ni baby dito sa side ko.. C hubby pauwo nrin.

Magbasa pa
5y ago

Thank you po mommy! Nahihiya po kasi talaga kaming makisama sa bahay tsaka as much as possible kung kayang bumukod, yun po sana gusto namin ni hubby kasi mahirap na yung marami pa kaming maririnig na salita from them. Lalo na ngayon at iniiwasan ko din po ang mastress pa lalo bahay.

Mahirap pag buntis tapos wala ka kasama sa bahay lalo na lagi nasa work partner mo. Nasa abroad kami dalawa ni hubby. Nagstop ako sa work at lagi naiiwan sobrang hirap lalo maselan ako nung first tri ko. Umuwi ako pinas sa family ko para may kasama ako at mag guide sakin kasi first time mom din ako.

Maganda po sana kung sabihin nyo na sa parents nyo para matulungan po kayo ganyan din ako noon ayaw kong ipaalam sa magulang ko at gusto kong bumukod kami ni hubby maiintindihan naman nila ang sitwasyon nyo

5y ago

Salamat po mommy!

VIP Member

Need mo ng support lalo na after manganak. Maganda ang idea na bumukod pero baka mahirapan kayo kung 2 lang kayo with a newborn.

Hello sis! Unang una tama naman yung naisip niyo na bumukod. Kami ng asawa ko di pa man kami kasal noon nagkasundo kami na bumukod talaga agad dahil we want to live and build our family independently. May mga factors lang na need iconsider. Sa situation mo ngayon nagaaral ka pa. 1st trimester medyo maselan pero kung nanjan naman si hubby kahit papaano kakayanin mo yun. Yung situation namin ngayon, ang hubby ko nasa abroad. So naiiwan talaga ako magisa sa bahay. By the way yung apartment namin 15mins away lang from my husband's house kasi kinonsider din namin yung pagwala siya atleast madali ako puntahan habang nagbubuntis. For us okay siya kasi nakabukod na kami, if ever na emergency madali kami makakahingi ng assistance. 3mos hanggang 7months ang tyan ko ako lang magisa sa bahay. Ako lang ngpprepare ng food ko, nagpapalaundry nalang kami para madali. Nakaya ko naman. Pero depende pa din sa pagbubuntis sis ah. Kung maselan ka need mo talaga ng tulong. Pag kabuwanan mo na, yun ung mahalaga na may kasama ka. Ngayong kabuwanan ko na yun lang yung time na sinasamahan ako ngayon ni mama sa apartment kasi anytime pwede na manganak. Paglabas ni baby, dapat talaga hands on ka na.. un lang you have to choose if continue m pa study mo or aalagaan si baby. If maghands on ka na kay baby actually sa una lang naman need ng guide, pag tapos ng 1st 2mos kakayanin mo na yun magisa. Mother instinct sabi nga nila. Kaya mo yan sis. Sa simula lang naman mahirap bumukod. Matutunan niyo lahat unti unti pag nandun na kayo. Hindi niyo malalaman kung di susubukan. As long as nanjan kayo pareho ng partner mo para isupporta ang isat isa kakayanin niyo yan! ☺

Magbasa pa