Kailan pwede uminom ng tubig ang baby?
huhu yung MIL ko kasi pinapainom na ng tubig baby ko kada pagkatapos uminom ng tikitiki once a day. 2weeks old pa lang po baby ko. hindi naman ako makaangal kasi nakikitira pa lang kami ng partner ko sa kanila, ano side effect nun kay baby? nakakaworry naman po.
Pwde na po bang uminom ng vit si baby? Dapat po ata 6months up po bago uminom ng vit si baby mommy.
. Alm kupo 6mnths dun plang pwede uminum ng tubig si baby.. at kumaen ng pwede skanya..
6months po dapat sis. Wala po ba kayo nanay book jan sis? Pakita niyo sana sa mil niyo
wala nga po e, pero advice talaga ng mama ko bawal pa water hanggat di pa nasosolid food si baby. iaapproach ko nalang siya in a way na hindi siya maooffend hays.
6months po sis..bawal pa painumin ng tubig ang baby lalo na kpg breastfeed sya
No water and no vitamins until 6 months po sabi ng pedia ng baby ko
Till wala pa po syang 6 months hindi po pwedeng painumin
bakit sya naka tiki tiki e 2 weeks palang? sino nagreseta nyan?
relative po naming doctor, para daw po hindi mag yellow si baby.
6 months pataas po dapat painomin ng water si baby sis.
6months Palang Pong Pwedeng Painuman Ng Tubig Si Baby
6 months po dapat payo yan ng mga doktor.