Kailan pwede uminom ng tubig ang baby?
huhu yung MIL ko kasi pinapainom na ng tubig baby ko kada pagkatapos uminom ng tikitiki once a day. 2weeks old pa lang po baby ko. hindi naman ako makaangal kasi nakikitira pa lang kami ng partner ko sa kanila, ano side effect nun kay baby? nakakaworry naman po.
nakaka relate ako sayo momsh, sa unang anak ko kasi, nakikitira lang ako, so sila nag dedecide palagi sa anak ko, I was so naive na kahit painumin nila ng sangkaterbang vitamins anak ko at painumin ng tubig,(laging sinasabi sakin ng Lola na lumaki ang anak niya sa ganun) wala akong magawa.. fast forward, nag hiwalay kami ng bf ko na yun and I married, nagka baby ng dalawa, yung sa dalawa Kong anak now, Hindi ko sila pinag vitamins, and I followed the rule na no water 6 mos. below.. napaksarap magkaroon ng family na walang nangingialam sayo, Your child, your rule.. no matter what momsh. . And I praise God na sa pagkakadapa ko nung una, pinatunayan niya na meron pang pag asa. Godbless mommy. P. S. Kapag kaya niyo ng bumukod, go na agad
Magbasa paLaking probinsiya po ako .. di po uso pedia doon .. so first time ko po nabasa na bawal po painumin si baby ng water .. sa totoo lang mula sa akin hanggang sa mga anak ko pinapainom na po kmi ng vit. Tiki2 and water since day 1 😀 pero sa awa ng Dios nkasurvive nman kmi na healthy .. lalo na panganay ko mga week plang siya malakas sa tubig naiiyak pg di nka inom tubig kaya for me okay lang nman cguro ksi dropper lng nmn di nmn madami .. yon tlaga nklakihan ko kahit hnggang ngayon sa probinsiya nmin lahat ng baby's umiinom na ng water .. wag nio ako ibash ha yong lang tlga karanasan ko haha .. pero next na baby ko try ko na sundin yong pedia 😊😊 Pero okay na rin na sumunod sa pedia .. health is wealth eka nga ..
Magbasa pakaya nga po,ganiyan din sa mga kapatid ko dati,paglabas palang ng baby tubig pa nga na may asukal,pero kasi since advance na ngaun,study shoes na ang new born is almost 80-90% water ang body nila,pwedeng magkaron ng water toxicity sa katawan nila na fatal sa mga bata,mganda nalang din siguro umiwas,
Hello mommy. Share lang po namin ung info na sinabi sa amin ng pedia ko. May bagong recommendation po si world health organization na no water and no vitamins si baby below 6months. Breastmilk or formula milk lang ang allowed. Maliban na lang kung may sinabi si pedia ng anak mo na need nya magvitamins. Share ko din lang po 6 months na baby ko ngayon and pure breastmilk lang po sya. Natiis natin na dalhin sila ng 9months e. Hope this helps mommy
Magbasa pamaraming salamat po sa mga sagot niyo mga mommies, first time mom din po kasi ako kaya marami pa akong kailangan matutunan along the way. nasabihan ko na kahit papaano MIL ko at i think kahit medyo naoffend siya kasi nga yun nga raw ginagawa niya sa 7 niya na anak dati at lumaki naman silang malulusog, still inintindi nalang niya ako since iba na nga ang panahon ngayon maganda na ang sigurado kesa magsisi sa huli. :) salamat mga momsh.
Magbasa paYou are the child's mom, dapat hindi mo hinahayaang kung anu-ano ginagawa ng mga tao sa anak mo kahit ano pang age ng baby mo at kahit MIL mo 'yan. Kapag ba binugbog yan ng MIL mo, tutunganga ka lang kasi nakikitira lang naman kayo eh? You might say hindi related sa post mo pero related kasi health ng baby mo ang alanganin dahil sa mga pinapainom sa kanya ng MIL mo na hindi pa angkop sa age nya.
Magbasa paiba naman na po atang usapan yan. yung MIL ko po kasi thinks it’s okay to let babies take vitamins and a small amount of water afterwards, akala niya she’s doing what’s best for my baby since yun naman ginagawa niya sa 7 anak niya before. and who on earth would let someone beat up their child? no offense but your analogy is wrong. thanks tho, nakausap ko na po yung MIL ko, it’s been a week na since he stopped taking vitamins and water.
Ganyan din problem ko pinapa inom nila ng water si baby after mag take ng vitamins na tikitiki every morning.wala akong magawa kasi nga nasa compound nila kami.alam kung di pa pwede pero walang magagawa sila lahat nasusunod sa baby ko.para nga lang akong pina anak tas wala na silang paki sa side ko.tatawagin lang nila ako pag madede si baby.😭😭sakit sobra
Magbasa paI feel you mumsh. yung gusto ko pa sana ka-bonding baby ko kukunin kaagad ng MIL ko sakin. ibibigay nya lng sakin si baby pagmagpa dede. kainis sobra
Momsh hindi pa pwede uminom si baby ng tubig lalo na't 2 weeks palang si baby. Kung breastfeeding ka, may halong water na kasi yung dinedede ni baby sayo nandun na kasi lahat ng nutrients. Gawin mo after niya mag take ng vitamins padedehin mo. Ganun kasi ginagawa ko kay baby ko after niya uminom ng vitamins, pinapadede ko para ma-inom niya yung vitamins
Magbasa paKahit pa sabihin mong nakikitira kalang. May karapatan kang magreact kasi anak mo yan!! Pag ba may nangyareng masama s anak mo sila ba mamomoblema?? Dba hbdi ikaw pa din. Alam mong Hindi pede painumin ng tubig ang baby hanggat dipa sya 6months edi gamitin mo bibig mo para sawayin MIL mo. Walang mangyayari yung pagpopost mo dito.
Magbasa paWait, pwede na ba mag vitamins ang baby kahit wala pang 6 months? I doubt that. And mamsh, kung alam mong hindi maganda sa baby mo, magreact ka. Hindi sila ang mamomroblema pag may nangyaring masama sa anak mo. At hindi sila ang nanay. Ikaw. May karapatan ka. Water is only given for babies 6 months and up.
Magbasa paGanyan din yung sa anak ng pinsan ng asawa ko pinapainom ng tubig naka infection daw sa dugo. Mommy kung ayaw mo magsisi sa huli sabihan mo na. Dinala mo ng 9mons nilabour mo inire mo tapos ganyan lang mangyayari kay baby. Super delikado mommy. Para nalang sana kay baby habang maaga pa.
Hoping for a child