Unplanned Pregnancy

How should I tell my Parents? And how would they react ? I’m scared and a little frustrated #advicepls #firsttimemom

Unplanned Pregnancy
31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Blessing yan. Ako unplanned din yung pregnancy ko, kasi I have hormonal problems. Ang focus palang namin non ayusin yung health ko, proper diet, exercise hindi ako nag-medication kasi gusto ko natural lang lahat. Matagal ko nang worry yon, na baka mahirapan ako magka-baby in the future and nasa age nadin ako na healthy and safe na magkababy. Kapag hindi kopa inaganapan baka mahirapan kami ng husband ko. After doing the routine, agad agad akong nabuntis. Nung nalaman namin nagulat kami at the same time masaya kami kasi kahit late na namin nalaman na pregnant ako halos months na nung nalaman ko. Wala akong nararamdaman, walang morning sickness or anything. Pagcheck up namin kay baby healthy baby siya. Thankful din ako kasi, dahil din siguro sa nag-change ako to a healthy lifestyle kaya si baby din super healhy ❤️ Ngayon 7mos na akong pregnant and excited na kami ng husband ko. Sobrang blessing talaga. Lakasan mo lang loob mo, iba ang feeling lalo na kapag nararamdaman mona siya sa tyan mo. Wala kang ibang hihilingin kundi maging healthy lang si baby. Sakanya ka makakahugot ng lakas ng loob, also sa partner mo din dapat.

Magbasa pa