sharing is caring

HOW OFTEN SHOULD A BABY POOP? Ang mga exclusively breastfed (EBF) (tanging breastmilk lamang ang iniinom) na sanggol ay kinakailangan dumumi araw araw mula pagsilang hanggang sa ika-6 na linggo (6 weeks). Pagkalipas ng panahong ito, normal na sa EBF babies ang hindi dumumi araw araw sapagkat mabilis nang matunaw ng katawan ng bata ang breastmilk. Kung malambot naman ang tiyan ng bata at masigla, hindi ito dapat ipag-alala sapagkat ito'y normal lang. Kapag sinimulan na silang pakainin ng solids, araw araw na dapat ang kanilang pagdumi. Kapag ang bata ay formula-fed o mixed-fed, kailangan ay dumumi sila araw-araw, mula pagkasilang hanggang sa kumain na sila ng solids. Ano ang maaaring gawin kapag ayaw dumumi ng bata? ● I Love You Massage (maaaring gumamit ng Virgin Coconut Oil ngunit huwag na huwag gagamit ng manzanilla dahil masyado itong matapang para sa balat ng bata. Kung gusto nyo pa rin pong gumamit ng manzanilla, kayo pa rin naman po ang masusunod dahil anak ninyo yan. Paalala lamang po ito.) ● Bicycle Exercise (tingnan ang larawan sa ibaba na nagpapakita ng tamang paraan ng paggawa nito) Ang mga paraang nabanggit sa itaas ay mga epektibong paraan upang mapabilis ang pagdumi ng bata. Isinulat ni: Van Mallorca (credits to rightful owner of photos) Acknowledgment: Thank you so much to Breastfeeding Pinays for always educating us, breastfeeding moms. ❤

sharing is caring
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

thanks po for the info