how do you deal with parents na pinipressure ka talaga magpakasal?

how do you deal with parents na pinipressure ka talaga magpakasal? para hindi ka maging kahihiyan sa pamilya? graduate na naman ako, meron na trabaho. Im 24 right now and im about to have my 1st baby. And yung papa ko gusto nya magpakasal daw ako dun lang sya matatahimik. Edukada pa naman daw ako pero pareho lng pala lng daw ako sa mga pinsan kong nagkaanak ng hindi pa nagpakasal. Nakakastress syang magsalita. Sabi nya pa, buti kung yung baby ko healthy kasi kulang daw ako sa pahinga, e minsan lang naman ako less than 8 hrs. Tulog kapag meron ako ginagawa na project sa skul(im currently taking my masters din kasi e pero malapit na matapos ang 1st sem). Hayyysss, i dont want to be disrespectful to my dad but i cant help to be sad with his treatment. ? meron naman kasi kaming plano sa kasal pero di pa lang ngayon kasi medyo gipit pa. ? hirap kasi makausap ng papa ko, kung ano yung sa tingin nya, yun dapat ang tama, yun din ang gagawin.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yan din nagiging problema namin ng partner ko ngayon. Gusto ng parents ko esp papa ko na magpakasal kami for the sake of our baby daw. Eh kami naman ni partner ayaw pa talaga. I have my own reason din kung bakit ayoko pa magpakasal although wala naman akong balak or siya na maghiwalay pa 😅😅 As my partner said before, "we're not kids anymore na didiktahan nila sa lahat ng bagay. Yes parents natin sila pero mag desisyon tayo ng tayo lang. Malalaki na tayo eh. Wag kang sunod ng sunod sa lahat ng sasabihin nila sayo"

Magbasa pa

Yes momshie, agree ako sa sabi ng partner mo. Ayaw ko rin naman magpakasal dahil lang sa baby, for me wrong reason naman yun. Kung magpapakasal ako, gusto ko ginusto namin both ni partner yun. Di naman guaranteed na masesettle na kayo sa inyong pagsasama with the baby after magpakasal. Haysss... hirap lang kasi ipaliwanag sa close-minded na na parent.

Magbasa pa