Anu po ang magandang gawin or e take para ma buntis kaagad?

Hoping for a child na po kasi kami nang partner ko 1 year na pero wala parin. Anu po ba ang gawin, paraan, kainin, inomin or etake? Anu din po dapat ang mga bagay na dapat iwasan para mabis mabuntis?

52 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

11 years ang hinintay namin bago kami nabiyayaan ng baby ni Lord. Matinding dasal at pananalig sa Diyos. Nung 2018 nagkaroon ako ng ovarian cyst, sobrang laki nya. Akala namin taba lang dahil mahilig kami uminom ng alak. Kaso bumagsak katawan ko, then lumaki tyan ko. Naoperahan ako, natanggalan ng right ovary at right fallopian tube. Sabi ng OB ko, 50% nalang ang chance na magkababy ako. Then sobrang hirap na rin. So kami ni hubby, kahit mahirap unti unti namin tinanggap na di na kami magkakababy. Pero yung pananalig kay Lord di nawala, dinadasal pa rin naman ang himala. Si hubby, namamanata kay Poong Nazareno since bata sya. Lagi nyang sinasampa yun. June 2021, nagkaroon ulit ako ng 3cm na cyst. September 2022, di ako dinatnan pero usual na sya sakin. Madalas din kami mag-inom at nagvavape pa ako. Napaka unhealthy ng lifestyle ko. Sa office suka ako ng suka at hilong hilo, paguwi ko ng bahay bumili kami ng hubby ko ng pt just to check. Then nag positive, 2x ko inulit. Then nagpunta agad kami sa OB, binigyan ako ng prenatal record then pinainom ng folic acid. Di talaga sya nagsisink in kasi naisip ko, imposible. At posible nga talaga ang imposible. Dahil sa ultrasound 6 weeks preggy na ko. All good din ang heartbeat ni baby. Nagbago na ko ng lifestyle, kain healthy foods, rest malala and iwas stress. I'm 13 weeks pregnant, with 9cm cyst. Na sana hindi malignant para isabay nalang sa panganganak ko, kasi CS ako. Praying for your baby dust too! Believe in Him πŸ™πŸ»πŸ˜‡

Magbasa pa