Hm po kaya magastos pag nanganak?
Hm po kaya magastos pag nanganak po? Normal?
Hi, sa lying in ako dito sa Cabuyao, Laguna (Katapatan) nanganak, normal delivery. 15,450.00 lang ang bayad ko sa lying in. 8.5k lang talaga dapat yun kaso gumamit kasi ako ng oxygen tapos 2 dextrose pa nagamit ko and may vitamins na din yan na kasama. Hindi ko pa nagamit ang Philhealth ko nyan dahil G1 ako, first baby ko 'to. Pero kung hindi mo naman first baby pwede mo gamitin ang Philhealth mo, 3k lang ang singil nila.
Magbasa pakung sa laguna po kayo try po kayo sa public hospital mura lang nalo na kung may philheath, ako kasi sa jp hospital ako magtratry manganak kasi sabi nila halos wala pa ata sa 5k yung nagastos nila nalo na at may philhealth sila. Yun nga lang kailangan mo lang magparecord dun kasi kung wala kang record di ka aasikasuhin dun at for normal deliveries lang yung tinatanggap nila ngayon
Magbasa paNabayaran ko semi private na ospital 15k with philhealth na if wala naman 23k sana yun. Maganda talaga may ipon before manganak kasi di natin alam yung gastos. Akala ko sa public ako manganganak kasi free lang pero nagkataon sa semi private na. Nanganak ako nong April 23
Sa Dr.Cabuco Hospital po sa St.Maria Bulacan
sa provincial hospital ako nanganak 2020, CS 6 days confinement 23k+ kasama na kay baby nakaless ako ng 19k because of philhealth 3k+ lang binayaran ko sa billing 😊 not sure ngayon sa pinagbubuntis ko how much aabutin 😊
Depende Ako kasi may Phil heath indigent member ako sa NBB ako or if i remember it correctly no balance bill ang meaning yan, ibig sabihin, wala akong binabayaran sa ospital kapag manganganak,pero tru check up meron.
hello po, please indicate po your location para po kung may mommies na taga malapit sa inyo at may idea sila, makaka reply po sila sa inyo kaagad. Iba iba po kasi ang rates talaga.
80k nsd painless unilhealth southwoods hospital biñan Laguna. private room na. Sept 2022 Ako nanganak dyan.
Bukod sa expenses for NSD. Wag niyo din po alisin yung possibility na CS delivery. Experience d ko po kasi, akala namin maiinormal ko, tapos biglang emergency CSButi sa public ako nanganak, nag 0 yung bill ko.
how much po kapag sa carmona hospital and medical center.. dito daw po kasi manganganak si misis sabi po ng OB namin... para po may idea if normal or CS how much po kaya? thanks in advance🥰🥰🥰
sa pgh ako nangnak wala ko binayaran kahit piso. partida inabot kami ng ilang araw kase mejo madilaw ang baby ko kaya pinag phototherapy sya. lahat yun libre
opo at sa swa. partida painless epidural pa lahat ng nanganganak . papabilhin ka lang nila ng gamot sa labas kapag wala silang available na ganung gamot sayo. naalala ko pinabili sa mister ko primrose kase nag induced labor ako kase maaga pumutok panubigan ko. primrose lang pinabili tas wala na.
dito sa Amin Naman Ang babayaran mo lang ay Yung mga resita mo, gaya Ng kapit Bahay ko nanganak Ning Isang lingo, 2,000 mahigit lang Ang nagastos NILA.