Nakatira sa in laws

Hirap ng nasa in laws, di ka pwede magalit. Pag nagalit ka ikaw agad ang masama. Huhusgahan ka kagad.

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Relate ako sayo mi, pero wala akong problema sa father and mother in laws ko, sa kapatid nyang bunso ako naiinis. 16y/o na minsan parang bata at minsan parang matanda. Ganito pala pag nasa ibang bahay ka, kahit ubos na pasensya mo kailangan mo lang manahimik. Sa kung anong bait ng magulang at lip ko, diko makita sa bunso nila yun. Parang sya yung pinapakisamahan ko dito. Buntis pa naman ako at ang hirap mag control ng emotions. Lalo pag may mga usapan na pang matanda lang sana or samin lang, nakikisali sya. Siguro kasi hinayaan syang ganon kaya akala nya okay lang, may kapatid akong 18 at 22, ako halos nagpa laki kasi maaga kami nawalan ng nanay. Kaya siguro di ako sanay sa ganitong klase ng ugali at the age of 16 na ganun umasta,sumasabat at sumasagot. Hay na share ko lang po. Na stress kasi ako. 😪

Magbasa pa