Advice lang po.
Hingi po sana ako ng opinyon about po kung saan ako manganganak. Gusto po kasi ng partner ko na sa kanila ako sa quezon manganganak. And ako po gusto ko po dito lang po sa qc kung saan ako nagpapacheck up regularly. Tsaka ang gusto ko po kasi kasama manganak yung mother ko dahil nga po may issue kami ng partner ko na ayaw niya ako samahan every check up kahit ang lapit lapit lang naman. And expected ko na na baka during labor and delivery ko wala naman siya sa tabi ko so ang inaasahan ko lang na makakasama ko is yung mother ko. Kaya naman po ayaw ko manganak don sa kanila dahil I have some issues din po sa family and relatives ng partner ko (medyo madami talaga ako issue sa kanila kasi iba ugali nila) medyo may mga attitude kasi palibhasa may mga pera. Mali po ba yung kagustuhan ko na dito ako manganak sa manila at piliin ko po kung kanino ako mas komportable? Salamat po in advance sa mga mag aadvice. #advicepls #1stimemom #firstbaby #pregnancy