i need advice

Hingi lang po ng advice.. kailangan pa po ba namin magsama ng partner ko.. pero pinakikisamahan nya lang po ako dahil buntis ako... anu po kailangan kong gawin kasi minsan pinamumukha nya lang sakin kong bakit kami nagsasama.. salamat po

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap po magstay sa isang relasyon na isa nalang ang nagmamahal o nagpapahalaga.. mahirap din po ang pilit lang, masstres kalang po. Kung maghihiwalay kayo siguraduhin nya ung sustento para sainyo ni baby lahat ng kelangan nyo po. Kasi andyan nga sya pero parang wala din, bnbgyan kalang ng stress at ramdam dn ni baby ung stress na yun.. mainam wag nalang kayo magsama at magpray ka momsh, c baby ang kuhanan mo ng lakas ng loob. Pakatatag ka sa mga pagsubok na darating sayo. God Bless

Magbasa pa

hindi na lalo pa alam mo naman sa sarili mo na kaya ka pinakikisamahan dahil lang sa buntis ka o sa baby pasustento ka nalang sa lahat ng gastos sa pagbubuntis mo hanggang sa manganak ka at sure magsusustento din yan sa baby pag nakalabas kasi buntis ka pa lang pinakikisamahan kna. malay mo magbago ihip ng hangin pag nakita niya baby niyo maisip niya na gusto niya buo kayo pamilya

Magbasa pa

Wag nalang po kayo mag sama sis. Ako ganyan din pero ayoko na tama na kaya ngayon 5months ako nag papadala nalang sya pampacheck up nasa ibang bansa na sya now tapos may new girl na agad sya. Pero mas naging okay ung pakiramdam ko naleds stress ako. Kaya kung nastrestress kalang din sis. Stop na sustento nalang :)

Magbasa pa
6y ago

Ayaw po ng parents nya at ayaw nya rin na umalis ako. Umalis na kasi ako last month

For me d mo kailangan pilitin sis na magsama kau kung ayaw nya kc araw araw ka lamg mssktan. Icpn mo nalan cgro na buntis ka alagaan mo sarili at baby mo kesa mamoblema ka sa taong ayaw nman makisama sayo. Magpray ka sis i know masakit yan. Pro god will help you through it.

nasa inyo na po yan, kahit po sabihin ng iba po dito na wag na umalis ka na po, eh, kung yung kagustuhan nyo naman po eh mag stay. kac sabi nyo po ginawa nyo n kesyo ayaw ni partner or ng family nya, pero kung tlgang ayaw nyo n po at naiistress lng kayo wla clang maga2wa.

6y ago

kung ano po gusto at desisyon mo wala na po cla dun, ikaw po yung may katawan ikaw din ang nanay, masama po ma stress ang buntis

Kapal naman nyang nakabuntis sayo. Sya pa may gana magsalita na para bang napipilitan lang sya sayo. Ano yan nong ginawa nyo ung bata pinilit din nya t*t* nyan sayo. Bwisit na yan. Dapat sa hudas na yan banlian ng mainit na tubig nang mahimasmasan e.

6y ago

Ay ayaw nya sa matinong babae. Gusto put* put*. Hay nako sis, tama na yan. Iwan mo yan jusko baka dumating ang time magkasakit pa yang lalaking yan mahawa ka pa. Isipin mo sarili mo at ang baby mo. Kung alam mo magiging kalbaryo buhay mo sa lalaking yan, ngayon palang iwanan mo na.

Pamukha mo rin sakanya na di mo sya kailangan dahil sa napipilitan lng sya sayo kasi buntis ka. Kung ako yan mas maganda wala sya sa buhay ko bwisit sya.pag nAg sama kayo ikaw lng mahihirapn mkisama sa ayaw nmn sayo.

6y ago

E may saltik pala yang partner mo. Sasabihan ka kaya kayo nag sama kasi nabuntis ka🤦 satin kasi mga buntis masama satin ang maraming iniisip or na sstress kung ma sstress kalang saknya umuwi ka muna sa pamilya mo

Pwede naman hindi mommy. Nandyan naman ang parents mo to guide u. Ikaw lang din naman ang mahihirapan at the end pag nakisama ka pa din sa kanya kung ganyan lang din ang pakikisama nya.

VIP Member

no need na magsama dahil lang buntis, pwede ka naman humingi ng support kahit di kayo nagsasama eh kesa naman ipapamukha sayong buntis ka lang kaya sya nagtatyagang pakisamahan ka

Kung ganun ginagawa ni partner then dont expect anything from him, expect mo yung sustentuhan nya yung bata sa sinapupunan mo meron kasing ganun e nag sasama nalang para sa bata