8 Replies
As per my dentist, BAWAL bunutin ang ngipin dahil namaga ung ngipin ko when i was 2 months pregnant, ni advice niya ko na magconsult sa OB kung pwede ako ma take ng antibiotics,so I decided not to take any medications, nag gargle lang ako ng tubig na may asin then nung dipa din nawala,gargle ng Bactidol and it fades, pero one week din ako nag suffer. Braces adjustment pwede padin, pero ni limit ko nlang din muna kc mas need ni baby ng calcium, 6 months preggy here..
Hi sis dentist po kapatid ko. Yes pwede and pasta. Nag lalagay nga po siya sakin ng anesthesia nung second trimester. Mga tatlong ipin pinasta niya sakin. Also, naka ilang xray kami sa ipin nun and pwede naman. Ang bawal po is extraction. Need talaga linisin or ayusin mga sira ng ipin if pregnant kasi makakaapekto sa baby yung bacteria.
San po na post yan? Doctor poba yung nagpost? Bakit po nung first trimester ko po sabe ng OB ko bawal po daw magpabunot ng ngipin talaga pwede lang daw po magpalinis pero big no po daw pag bubunutan kase chineck nya ngipin ko at nakita nya may bulok nung sinabe ko kung pwede bunutin sabe nya bawal daw po ipasta nalang daw nya.
Kadalasan kase kaya lang naman ipinag babawal din na mag pabunot ng ngipin habang buntis kase diba pag binunutan tayo ng ngipin after nun kelangan uminom ng mefanamic at antibiotics, at sa pag kaka alam ko yung antibiotics may hindi din magandang side effects sa baby habang buntis.
Sabi ng OB ko pwede naman daw magpabunot kasi mas delikado daw kapag naimpeksyon yung sirang ngipin dahil bacteria daw yun which is makakasama din kay baby ..
Pwede naman pla e hayss
UP
Thank for info mamsh
Ness Amog