Mother in law na hindi inaacknowledge si baby.
Hindi naman ako bothered, actually mas okay nga sakin kasi ever since never nya naman pinakita sakin na gusto nya ko. Pero na ccurious lang ako , what made her bot like me? I mean, pag naman magkasama kami or naandyan sya maayos ako makitungo sa kanya. Binabati ko sya, nginingitian ko sya kapag andyan sya. Pero it’s really bothersome, ano bang ginawa ko sa kanya? Madaming episodes where in super rude sya saakin, the only thing na sobrang grateful ako is hindi sya direkta masama ang ugali saakin. Lagi syang may nasasabi kapag wala ako o kapag nakatalikod na ko, pero babae ako at alam nyo yan mga mami. Alam nyo kung yung tao hindi kayo gusto... I’m now 19 weeks pregnant pero kahit ni minsan hindi nya na acknowledge ang baby, hindi man lang nya kinakamusta or tinatanong kung ano na kalagyan. Wala lang sobrang curious lang ako bakit may mga ganiyang matatanda, anak naman to ng anak nila? Ayoko lang lumabas sa mundong to yung anak ko knowjng na may mga taong alam kong di sya welcome. #momcommunity #advicepls #firstbaby