Normal lang ba mommies?

Hindi naman ako acidic pero simula nitong mga nakaraang linggo, pag nagugutom ako para akong sinusumpong ng acidity kaya kailangan ko kumain agad kahit konti lang. Tapos kanina, mga 10 mins after ko kumain ganun uli nangyari. Nagtataka ako kasi hindi na dapat dahil nga busog na ko diba? Para tuloy ako nasusuka everytime nangyayari yun. Normal lang ba? First time mom, 11 weeks preggy. Maraming salamat! ? PIC FOR ATTENTION ONLY

Normal lang ba mommies?
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

1st trim ko din para kong parating bloated naman na sinisikmura. Hindi ko tuloy maintindihan kung nagugutom, busog, kinakabag ba ko or what. Sinabi ko yun sa OB ko and ang sabi niya iwas daw ako sa mga oily foods, and spicy foods. Pati yung pag inom ko ng maternity milk nung 1st trimester pinastop niya na muna sakin kasi baka daw isa rin yun sa nagpapabloat sakin. Try to consult your OB din. Mas maganda na alam ng OB natin mga nararamdaman natin kahit pa sabihin na normal lang yan :)

Magbasa pa

That's normal sis.. Ganyan din ako ngayon and I'm 13 weeks preggy.. Ako nga halos lahat ng kinakain ko sinusuka ko kaya nahihirapan din ako kumain kase everytime nalang pag kakain ako feeling ko susuka ako.. Just take your vitamins para sa baby mo and always make sure na more fluids. Also, you can consult your OB para mas makasigurado ka sis. Let's just enjoy what we have now, Godbless!

Magbasa pa
VIP Member

Hi mommy. Yes normal yan. Actually kapag gutom ka, wlang tutunawin yung acid. Kapag sobrang busog ka naman, dadami yung produce ng acid ng katawan natin para matunaw yung maraming intake mo ng food. Either way aacidin ka. Kailangan small meals lang. Pero sa case kasi nating mga buntis, nauusog ng growing fetus natin yung sikmura natin resulting sa pagtaas ng food or acid sa lalamunan 😊

Magbasa pa

pareho tau sis.maselan ata tau maglihi.aq hirap na hirap lahat ng kainin q ayaw nya tanggapin sinusuka q din.sana matapos na ung gnitong sitwasyon sobrang hirap kht gutom na gutom kana dka makakain dhil iisipin mo palang na susuka ka nnaman ang hirap😟😢

Nakuha nga po talaga ng attention ko ung pic, gusto ko tuloy ng fries.. 😂 anyway mommy baka part po iyan ng paglilihi nyo ganyan din po ako parang nakulo pa din tyan ko pero inom lng tubig ginagawa ko po para makalma tyan ko..

VIP Member

ganyan din narararamdaman q , hindi aq maselan magbuntis di rin aq nagsusuka o naghahanap ng kung anu anu pagkain ,pero gusto lagi ng bibig q my kinakain ,kasi pag nakakaramdam aq ng gutom nasusuka aq ,

ang sarap nung fries hahahaha. Ganiyan din po ako mommy. Nabanggit ko yan sa OB ko sabi niya iwas sa mamantika, at maanghang then pag nagugutom pwede naman kumaen pero small amount lang po ☺️

VIP Member

Ganyan talaga, mommy, ang pakiramdam dahil sa hormones. Try to eat frequently small meals na lang. Wag magpakabusog, basta enough na hindi ka na gutom or sinisikmura

VIP Member

mamsh, kc po bwal dn po mamantika at mataba sa my hyperacidity . . wag ka kakain ng mga maasim, matamis, mataba, maanghang, mamantika khit nga gatas eh.

Nasa critical stage kapa po kc ng paglilihi. Normal lang po yan.. Meron talagang preggy na maselan sa pagkain hehe.. Malalampasan mo rin po yan 😊