Ano po ba mabisang gamot o home remedies sa makati ang lalamunan? – 19 weeks pregnant
Hindi ko sure kung dahil ba sa makati ang lalamunan ko kaya napapaubo ako. Makakasama kaya kay baby yung ganito? :( FTM here kaya sobrang worried talaga ako. Next week pa po kasi kami makakabalik kay OB and usually hindi naman siya nag re-reply thru messages.
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
mi inom ka lang lagi ng warm water ung medjo mainit unti. and iwas sa malamig. tapos try mo salabat. ganyan din ako nung preggy ako salabat or kalamansi juice lang iniinom ko nun nawawala naman. kahet 1-2x a day lang. mahirap din kse mag take ng gamot kapag preggy lalo kung di prenatal vits yan.
yung akin po mag 4 months na po yung ubo ko, kahit may gamot na binigay yung OB nung 25 weeks wala pa din. Im 38 weeks pregnant now. Pina xray din ako ng OB ko nung 37 weeks ako, safe naman daw po yun. Sana mawala na magkatapos kung manganak, hehe dala na cguro to nga pagbuntis ko
siguro nga mi dala na rin sa pagbubuntis. Salamat mi, Godbless 😊
ako mii ginawa ko nag gargle lang ako ng asin sa warm water ( kung kaya mo mas mainit mas ok, basta kaya mo) maginhawa siya promise, kinahapunan nawala na kati ng lalamunan ko. siguro 3 times ako nag gargle maghapon.22 weeks preggy here ftm.
Okay po mi, thank you mi 😊😊
Water, ginger tea with calamansi. If hindi na talaga kaya, strepsils okay lang. wag masyado mag worry, ako non sis nagka covid pa. 19wks din ako non. Okay naman si baby pag labas. Di din ako nagkaprob with pregnancy non.
Okay po mi, good to know po na okay naman si baby paglabas kahit nag ka-Covid po kayo. Thank you so much mi 😊
Ako mi may ubo Niresetahan ako gamot na pwede sa preggy tsaka citirizine ata yun na pwede rin sa preggy in case daw na kumati lalamunan ko pa check up po kayo para maresetahan kayo ng ob mo
Thank you mi ☺️ next week pa kasi kami magpapacheck up kay OB kaya puro home remedies lang muna.
Makati po ang lalamunan mo, una may acid reflux ka po. humiga ka po ng tagilid sa may left. Ikalawa, sinasabi ng katawan mo po na need mo ng more water intake.
Okay po mi, salamat mi 😊😊
water therapy,mie...haluan mu lemon...yan advice ni OB kc bawal talaga uminom ng gamot....nawala din naman...basta aligamgam lang.
Tatakot din po kasi ako talaga uminom ng ibang gamot na hindi niresta pa ni doc. Sige mi, tr-try ko yan lemon juice or kalamansi juice. Salamat mi 😊
hello sis ako po if may ubo or sipon nag lelemon kalamansi juice lang ako. okay naman nawawala din after a few days
Sige mi tr-try ko yan. Salamat mi 😊
pa help naman po kung normal lang ba ang duguin matapos makipagtalik? i'm 6 mos preggy napo.
Naku mi hindi ako sure ah pero base sa mga nababasa ko sa groups ng mga preggy / mommys na sinalihan ko may ganyan po akong nabasang case, parang hindi ata normal po ang ganon po. Much better mi if pa check ka kay OB. Para sure na safe si baby at ikaw po. Godbless you mi
Bactidol gargle or strepsils, both are safe as per my ob.
Okay po mi. Salamat mi 😊
Expecting a new chapter in life | FTM