About Birth Control Pill
Hindi ko po alam kung nakalimutan ko uminom ng pills. Narealize ko lang po nung andun na ako sa dulo ng pack. Binilang ko po kasi sobra ng isa. Pero tuloy tuloy po ang inom ko. Di ko po alam anong araw ako nakalimot ng inom. May date po kasi ako ng first day ng inom ko ng pills. Nung binilang ko siya hindi po sakto sobra ng isa. Possible po ba na mabuntis ako. Delay po ako ng 1 day. Dapat kahapon nagkaroon na ako ng menstruation. Thank you po sa sasagot. Medyo worried na po ako kahit 1 day lagi po kasi sakto yung dating ng period ko.