Hindi ko kinahihiya na #househusband sobrang proud ako sa kanya, sa ginagawa niya para sa pamilya namin.
Saludo ako sa tiga budget sa isang pamilya si misis man o si mister, hindi biro ang responsibility nila. Ang hirap kayang pagkasyahin ang kulang.
Si mister ang naka toka sa pagba-budget sa amin.
Wala naman akong napag aralan na dapat ang babae ang humahawak ng pera para sa isang pamilya. Ang napag aralan ko kung sino ang mas may kakayahang humawak, mas responsable, may control sa mag asawa yun ang pwedeng magbudget.
Sweldo kahapon kaya nagbigay na ako ng ibabudget ng asawa ko kaya ayan busy na din siya sa pag aayos, pilit pinagkakasya.
Ang pera ko pera din niya. Walang taguan ng pera na nangyayari sa amin.
Bakit kailangan mag taguan ng pera sa mag asawa?
1. Gastador / Waldas
Yung tipong alam na nga na kulang yung budget, panay gastos pa rin. Sige lang ng sige sa maisipang pag gastusan.
2. May bisyo
Yung walang pera sa pagkain pero sa bisyo meron. Ang masaklap pati pang bisyo, ipangungutang.
3. Feeling mayaman
Yung hindi naman kayang makipagsabayan sa iba pero ipipilit na makipagsabayan.
Hindi naman ganyan asawa ko kaya walang dahilan para taguan ko siya ng pera.
May access siya sa online banking ko, hinihingi ko opinion niya pag may gusto akong pag gastusan para masure ko kung worth it ba o hindi. Ina-update ko siya sa mga investment namin. Never naging issue samin ang pera.
Parehas kaming may pagpapahalaga sa pera kaya hindi kami basta bastang gumagastos alam kasi naming pinaghihirapan at hindi pinupulot ang pera. ☺️
#UsapangPera #BuhayMayAsawa #PamilyaSagcal
Tin Sagcal