blighted ovum..

Hindi ko alam kung OA lang ba ko na halos kahapon pa ko paiyak iyak. Lalo na pag wala kong ginagawa sobrang babaw ng luha ko. Nasaktan lang naman ako sa sinabi sakin na bugok tong dinadala ko. Sobrang panghihinayang nararamdaman ko. At hindi ko rin mapigilan kakaisip kung ano bang nagnyare bat nagkaganto. Kahit 2 months palang to sobra yung sakit. Kase mahirap din yung kala mo may nabubuhay na sa loob mo tapos biglang nawala. Pero bat ganto tong partner ko parang di nya ko naiintindihan. Di ko alam kung hindi ba sya affected kase ako hindi talaga ko naging okay. Hindi ko naman gusto na makiiyak din sya sakin e. Ang akin lang naman may balak pa kami magpa2nd opinion so dapat umasa pa kami na meron pa to. Kaya ayoko sana masyadong kumilos bukod sa ayokong mag akyat panaog para incase na may pag asa pa e maingatan ko na at may iba talaga akong nararamdama, hindi ako okay. Masakit tyan ko pero panay utos pa sakin. Kahit wala naman syang ginagawa. Nagrereklamo pa sya knina na dapat ako gumagawa nung ginagawa nya. Kahit umiiyak na ko panay ganon parin sya. Nakikiusap ako na please lang hindi okay nararamdaman ko kahapon pa. Naiiyak ako hindi ko mapigilan tas sasabihan pa nya ko na napakatigas ng ulo ko. Sa sinabi nyang yon feeling ko sinisisi nya ko sa nangyare. Nahihirapan ako. Bat ganon lang sa kanya yun.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

San ba bahay mo nang masapak ko yang asawa mo? Sorry ha pero npaka walang puso nmn nya gawin yan sau kainis lang.