Pagod na po ako

Hindi ko alam bakit sobrang taas ng pride ng LIP ko. gusto ko lang naman magsorry sya at maglambing pero pag kailangan ko tska sya sumasabay at pinapamukha sakin na hindi ako kawalan sa kanya. Alam kong pagod din sya sa trabaho dahil bumabyahe sya at madalas halos isang oras syang nakatayo sa byahe. pero mga mii pagod din ako. naka wfh nga ako pero buong araw akong nag aasikaso sa bahay, linis, luto at sabay pa ng tambak na trabaho. halos ipad na nga lang kaharap ng anak namin buong araw pero sinisikap ko na laruin sya maya't maya. Pagod na ako mga mii. kinakausap ko naman sya sa mga gusto kong ipakita nya at sabihin pero parang walang effect. any advise po kung anong gagawin kasi ginawa ko na lahat. mababaliw na po ako.#pleasehelp #advicepls

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same tayo ng case mi. Wfh ako tapos yung husband ko sa isang company nagtratrabaho at bumabyahe ng 1 hanggang 2 oras. Ganyan din nafefeel ko, imbis na kinikimkim ko sa sarili ko, iniiyak ko mi at sinasabi sa kanya, minsan d kami magkasundo pero napapaisip din sya na kelangan namin magtulongan sa pag aalaga ng bata. So far most of the Time nag iinitiate na syang tumulong sa gawaing bahay at pagbabantay ng anak namin. Advice ko is dapat sabihan mo sya sa nararamdaman mo mi, pag usapan nyo in a calm way. Yun nga lang nasa kanya na kung tutulong sya or hindi๐Ÿ˜… If hnd ayy baka mauwi sa hiwalayan. Ang hirap din kayang magkapartner n d makaintindi n napapagod din tayo. Ganyan minsan Ang mister ko kaya kung maghihiwalay kami, okay lng din sakin. ๐Ÿ˜… Tinatak ko na sa sarili ko na maghiwalay man o hindi kayang kaya kong buhayin ang anak ko kesa magkaroon ng toxic relationship ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜๐Ÿ’•

Magbasa pa
VIP Member

mi, kausapin mo sya pag hindi kau pagod pareho or mainit ulo nyo... or lambing2 muna bago kausapin..๐Ÿ˜Š hubby and me had the same problem nun pero kaibahan is same kming working pero ako 12hrs siya ay 8hrs.. pagdating sa bahay ako asikaso sa bata, gang amtulog at magpupuyat pa then sa umaga dhil maaga pasok ko, ako din magluluto at asikaso ulit sa anak nmin pag gising na... (sya madalas magluto sa gabi) dinaan ko lng sa pkikipag-usap, though hindi sya madali or kinsan lang sabihan ok na lahat..it takes time... dumating sa point na auko n sya sabihan sa gagawin nya kc kada sabi ako nun about sa anak nmin ssbihin nya hindi sya marunong.. ngaun nag-initiate syang matuto..mas naging hands on sya sa anak nmin, sa bahay, sa akin..and I thank God for that.. prayer helps..dont forget to pray for ur lip and ur relationship..๐Ÿ˜

Magbasa pa

Nakarelate ako sa situation mo mii ganyan din iyong asawa ko. Pareho nga lang kami working, same kami teacher, same work place din. Dapat naintindihan niya kung gaano din ako kapagod kasi same lng naman work namin. Pagdating ng bahay busy pa ako nag aalaga sa tatlo naming anak. May one year old pa nga kami. Kapag sinabihan ko siya sa kanyang pagkakamali ako pa iyong masama. Sa mga nakakilala sa akin, alam nila kung paano ako ka hinhin, kalmado, at malambing magsalita. Kapag sinabihan ko lang si hubby na ligpitin kalat nia na huwag nia ilagay ang madumi niyang damit doon ako pa ang nagger. Kapag ma late lang ag pagtimpla ko sa kanya ng gatas dahil nagpapatulog pa ako sa baby, siya pa ang galit at wala daw akong silbi.

Magbasa pa

been there mih, sa 6 years namin ni LIP ganyan lagi pinaparamdam nya saken.. lalo na ngayon may baby na kami parang ang useless ko sakanya kasi wala ako work as of now .. nagtalo kami a week ago talagang nadepress ako ng sobra and naisip ko na umuwi nalang sa parents ko kasama si baby. Buti nalang napagsabihan sya ng mother at ate nya kasi di na ako nakapag pigil binuhos ko na lahat ng sama ng loob ko sakanya.. after that he got the chance to talk to me, pinag usapan namin yung mga bagay na ayw namin sa isat isa.. then yung mga insecurities ko, lahat lahat na.. ngayon ok na kami, walang sigawan, walang sisihan and nakikinig na kami sa thoughts ng isat isa, para sa relationship namin and also kay baby ๐Ÿ’—

Magbasa pa

ang masasabi ko lang mi ibalik mo sa knya lahat ng ginagawa nya wag mo suyuin pabayaan mo Kasi ako Ganyan ginawa ko e noon nung na feel ko na parang di nya ba alam gaano kahirap mag alaga ng baby ay binalik ko lahat sa knya ginagawa nya, wag mo pakitang takot ka Kasi mas nayabang yan pakita mo na e ano kung mawala ka kaya mo, basta support sa anak mo magbigay, ngayon naman maayos ayos na si partner ko ahhahaha simula ng pinaramdam ko di ako takot bat ako matatakot sakin ang anak ko sa ayaw at gusto mo resposibilidad po pangangailangan ng anak mo

Magbasa pa
1y ago

pakita nyo lang mga mi matapang kayo noon mi iyakin ako Hanggang siya nagturo din sakin maging matigas haha ngayon siya din umaani ng mga ginagawa nya, Kasi totoo ung kung paano ka itrato ayun din sukli, ang akin lang mga mi sa pinagdadaanan nyo man ngayon maging strong para sa mga anak natin Kasi Wala kayang magmahal sa knila ng gaya ng pagmamahal natin

TapFluencer

parang toxic na ang relationship nio mommy, di naman kasi pwedeng ikaw lagi ang umiintindi, dapat balanse, balanse sa lahat.. ano pang saysay kung parang balewala nalang mga efforts mo? ang maipapayo ko po sayo is bigyan nio muna ng space at isa't isa.. malay mo naman po, hanap hanapin ka nia, or of hindi, then try to move on.. mahirap sa una oo.. pero para sa sarili mo, self love naman, at syempre sa anak ninyo..Good luck po and God bless..

Magbasa pa
1y ago

kaya nga mii. lagi ganyan inaadvise ko sa iba pero sa sarili ko nganga. sana lumakas pa loob ko maraming salamat ๐Ÿ˜ข

Hello, mii. Try nyo po kumuha ng kahit kasama lang sa bahay na maglilinis, kahit twice a week lang po para mabawasan po yung burden mo sa mga gawaing bahay. Nakakapagod po talaga, lalo at working kayo both. Wala po kasi tayong control over your husband, kaya I think mas maigi po if ma-address po yung root ng problema nyo. Praying po for your mental health, mi. God bless sa iyo. You are doing great po bilang mommy and partner. ๐Ÿค

Magbasa pa
1y ago

mi maraming salamat. Godbless din sayo ๐Ÿ‘

lesson learned po Yan if wala basbas ni God or marriage, wag po kayo umasa na may for better or for worse na mag kasama kayo or sasamahan Ka niya. Di po Kasi Siya nakatali sa Inyo and pwede Siya mag hanap Ng iba since wala kasal. kitang kita na Di Siya responsible as a husband and father. real talk Lang po.

Magbasa pa
12mo ago

baliw๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ may nakapagsabi na ba sayong irrelevant opinion mo๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ

uu nasa Tao Yan sa Kung pano pinalaki Ng magulang or Kung paano niya ihandle Yung bagay na ginawa niya, magpaka ama at asawa Sana siya. wag din Sana kalimutan ang God. sa MGA struggling mommas, pray Lang. wag nyo hayaan na may sumunod pang anak since nakita nyo na Kung ano ugali Ng asawa nyo. matuto na and move on. ๐Ÿ‘๐Ÿป๐Ÿ™‚

Magbasa pa

when it comes to house chores sana 50/50 yun ay kung lahat ng asawa maiintindihan ang hirap ng mga babaeng house wife.. Bihira nalang ang lalake ngayon na natulong sa gawaing bahay minsan nagiging cause pa ng away pag mag reach out ka kesyo yun nga lang ang ginagawa mo mahirap mag adjust๐Ÿ˜” Keep fighting miii sending hugsโ™ฅ๏ธ

Magbasa pa
1y ago

thank you very much โค๏ธ. natulong naman sya sa bahay wala kaming problema dun pero ewan ko pagdating saming dalawa parang wala syang idea na nasasaktan ako sa ginagawa nya