Pagod na po ako

Hindi ko alam bakit sobrang taas ng pride ng LIP ko. gusto ko lang naman magsorry sya at maglambing pero pag kailangan ko tska sya sumasabay at pinapamukha sakin na hindi ako kawalan sa kanya. Alam kong pagod din sya sa trabaho dahil bumabyahe sya at madalas halos isang oras syang nakatayo sa byahe. pero mga mii pagod din ako. naka wfh nga ako pero buong araw akong nag aasikaso sa bahay, linis, luto at sabay pa ng tambak na trabaho. halos ipad na nga lang kaharap ng anak namin buong araw pero sinisikap ko na laruin sya maya't maya. Pagod na ako mga mii. kinakausap ko naman sya sa mga gusto kong ipakita nya at sabihin pero parang walang effect. any advise po kung anong gagawin kasi ginawa ko na lahat. mababaliw na po ako.#pleasehelp #advicepls

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

naghahanap lang sya ng attention at paglalambing mo. kahit pagod na tayo sa gawaing bahay at pag aalaga sa bata, still mag iwan po kau ng time na mag ayos at asikasuhin si mister. tayong mga babae ay magaling magmulti tasking. kaya kulang lang sa yakapsule at kisspirin ang partner nyo.

Ramdam kita mi.. I'm also in a WFH set up.. and I also have a 1 yr old son..same tayo gnyan din ang husband ko towards me, kasal naman kami pero most of the time binabalewala lang nya ako.. Nkakapagod na rin talaga . I always pray for him, for our relationship alang alang sa anak ko..😢

1y ago

sana maging okay din kayo mii. stay strong po ❤️

just say this to your LIP lolz minsan they dont get it. Just be blunt lolz na magsorry xa if maymali xa at lambingin ka lolz. or if not you mightbas well lambing first... What you give is what you get and maybe more 😅

same situation with me, pero as much as possible sinasabi ko sa kanya yung nararamdaman ko. Nagbabago naman paunti-unti yan. Nature talaga ng mga lalaki ang pagiging insensitive.

Do the same treatment to him. Show him na kaya mo din kahit wala sya. If he cares, magbabago sya if not atleast mababawasan anxiety mo.

1y ago

i tried. ilang beses na. parang pabor pa nga sa knya eh

Try niyo mag usap kase kapag nakipag hiwalay ka .Baka pag sisihan mo .Like mine .. Kulang lang kayo sa communication .

Maraming salamat po sa mga advise nyo. sana nga mga mii lumakas loob ko. Kung hindi kaya magthetherapy na ako ❤️

mi buti na lng live in pa lbg kayo habang wala pang kasal save urself and flee hahaha

Mamili kanalang po kung makikipaghiwalay ka or mababaliw ka😊

parang yung ano ko ren ganyan ren