Panganganak during pandemic

Hindi ako natatakot sa pain ng labor naeexcite pa nga ako. Ang mas kinakatakot ko yung mangyayari samin ni baby during this pandemic kasi nagpositive ako sa swabtest and pang 12days quarantine ko na. Hindi ko alam kung may tatanggap pa ba sakin na ospital, hindi ko alam kung saan ako manganganak, hindi ko alam kung paano kami makakapunta o makakalipat sa kung saan saang ospital kasi wala kami private car. natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari kay baby habang paulit ulit akong tinatanggihan ng mga ospital. Nakakalungkot lang kasi dapat naiintindihan tayo ng mga doktor o ng nurse na sila ang kailangan natin pero sila pa mismo yung nagdidiscriminate sa mga covid positive. Clear ko lang po asymptomatic po ako at pang12days ko na po ng quarantine. Pasama nalang po kami ni baby sa prayers nyo na magnegative ang susunod kong swabtest πŸ™ salamat mga kamommies btw 39weeks na po ako πŸ˜” #advicepls #pregnancy #covid #FTM

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi nmn kailangan ng reswab pag asymotomatic ka puydi ka lang namn mag ka clearance sa doctor or kung sa lgu kamn naka isolate na natapos na ang 14 days quarantine mo. Think positive. Ako no I am positive and I am asymptomatic its my 9th day na naka isolate dto sa ospital. Pinatatapos lang ang quarantine and puydi na akong maka uwi. Pray lang always

Magbasa pa
5y ago

Yes maam ako rin naka quarantine now pang 11 days ko na. No need na mag reswab. Pray lang tayo maamsh. Makakaraos din tayo.

ang sabi po kasi sakin nung isang mommy na kakilala ko pag nagpa swabtest ka na may uti ussually possitive na dw po ang nagiging result talaga diko lang din alam kung bakit sinabi din dw aknya ng ob niya kasi na experience niya

Hi mommy, praying po na maging negative ang next swab test mu. Just want to ask po. may idea po ba kayo bakit po kayo nagpositive, since asymptomatic po kayo? salamat.. next week po kasi magpapa swab na din po ako..

5y ago

Wala momsh hindi ko din alam pano ako nagpositive to think na nalabas lang naman ako pagpupunta sa daily checkup then uwi nadin agad pagtapos nun πŸ˜”

Same here nakapag pa swab test na ako kahapon waiting nalang ng result para ma cs na hoping for negative resultπŸ™ Curios lang ako sa mga nagpopositive tas okay naman ang pakiramdam bakit ganun?

5y ago

gingwa nilang negosyo ang covid po

VIP Member

Praying for you and your baby po. Be strong and think positive lang po.πŸ‘Ό Claim niyo na po na maging normal ang lahat at may tatanggap po sa inyo. Stay safe and God bless. πŸ˜‡

Praying for you and your baby..ako din po katatapos lng mgpaswab test kahapon waiting na sa result i hope ok ang maging result koπŸ™

VIP Member

Praying for you and your baby. Ask ko lang po, need bang magpaswab test kapag magpapacheck up sa ospital?

5y ago

Kungcheckup lang po hindi pa kailangan

try nyo po sa new era general hospital mommy.. di ka nila tatanggihan.. pagaling ka po πŸ’•

VIP Member

Praying for you mommy and baby. πŸ™ Malalampasan niyo din yan. Trust God.

Everyday ginger lemon tea po. Para pag nag swab uli sana mag negative na.