Hi Mommies!! Bawal ba talaga na kunin na ninong or ninang yung mga parents na inaanak mo na ang babies nila? Ang pagkakaintindi ko kasi aa solian ng kandila, pag major away kyong mag kumare or kumpare na talagang sagad sa buto galit nyo sa isa't isa. Hahahaha

86 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hindi naman masama mumsh saka yung mga ninong at ninang ang tatayong second parents ng anak mo so dapat yung pipiliin mo shares the same values as you do

Pwede naman po yun, ako yung panganay ko inaanak ng mga kaibigan ko nung nag kaanak sila ninang din ako ng mga anak nila.

hello my, sa kasabihan po ng mga matatanda, yes.. hindi daw po dapat, dahil mg sasaulian ng kandila, since wala namn po mawawaa if susundin, sinunod ko na din po sa 3 kids ko..

Depende siguro sa mga pamahiin sa lugar ninyo. Pero sa amin, hindi naman ito bawal. Kasi ako madami ako inaanak na yung parents nila ay ninang din ng anak ko.

Sinasabi nila yan pero sa totoo lang kelangan piliin ang mga tao na kilala ko at pinagkikiwalaan ninyo sa anak ninyo. At mas maganda na mejo bata keysa mas matanda sa inyo.

Hindi kami naniniwala sa ganun. Karamihan sa ninang ng anak ko, inaanak ko din yung anak. Mayroon din na lahat sila magkakapatid ay inaanak ko.

yung panganay ko inaanak nung kumpare ko.tapos yung panganay nila inaanak ko.😆 ok naman kami..

Sa amin, hindi. Kaya yung mga closest friends ko, inaanak ko din anak nila. And not just yung 1 child, but lahat sila magkakapatid.

VIP Member

pamahiin un mommy so depende sayo if gusto mo sundin..samin kc magbabarkada lahat kami ninong & ninang ng mga anak namin

bawal daw kasi magaaway kayo pero yung mga friends ko na inaanak ko na yung anak nila, nag volunteer sila maging ninang.