Sleepy Baby?
Hi. 32 weeks pregnant na ko at First time mom ako. Confirmed na sa ultrasound na baby girl yung baby ko. Twice ko pina cofirm. Sumisipa naman yung baby ko simula nung mga 20 weeks nya pero hindi ganun kadalas. Ang madalas ko lang maramdaman ay yung parang umiikot sya or naguunat sa loob ng tyan ko. Pero bihira sya sumipa. Sinabi ko yun sa OB ko, sabi nya bibo naman daw ung baby ko kasi malikot nga raw dahil palipat lipat sya ng pwesto everytime na sinusubukan namin hanapin heartbeat nya. Parang ayaw magpa istorbo ganun haha. Hanggang ngayon 32 weeks na ko, ganun pa rin movements nya. Madalang sumipa pero puro unat at ikot lang gnagawa nya pero lagi ko naman nararamdaman. May naka experience dn ba sa inyo ng ganito? Yung puro ganun lng gnagawa ng baby nyo nung nagbubuntis kayo?
Mummy of 2 bubbly princess