βœ•

17 Replies

ganyan po ako nung 1st month ng baby ko ayaw sa akin , laging iiyak pero pag karga ng hubby ko tumatahan , pero pag gutom na . makakarga ko pero pag iiyak balik uli kay hubby hanggang sa makatulog na si baby . Sabi Sabi kasi nilang kung sino daw una kumarga kay baby nung pag labas niya yun daw ang hahanap hanapin nila na amoy . pero nung nag 2 months hanggang ngayun 3 sa akin na siya ayaw na niya sa kanila , pag wala ako iyak siya ng iyak kahit na kinarga na ni hubby o ng mama ko hindi nla mapatahan. pero pag binalik na sa akin tatahimik na.

Sakin naman po nung 1 month sya ok naman po, pero nung after 1 month nya ayun ayaw po sa akin tumahan

VIP Member

mommy alam mo nararamdaman din ni baby yang stress mo.. relax ka lang.. nung maliit ang baby ko tuwing stressed ako at inis, mas lalo siyang hindi mapakali.. kaya kinukuha muna sakin ni Hubby para makakain ako, makashower man lang o magpahinga.. pag ok na ko, tsaka ko kinakarga ulit si baby.. mas ok siya

diba po sobrang sakit hehe

Hugs mommy kaya mo po yan.. I feel you mii ganyan ang first born ko fussy baby since birth as in nasa nursery palang iyak na ng iyak. Pwede mo pacheck si baby mo kay pedia baka meron siyang reflux ? Possible kasi yun ang dahilan kaya fussy baby siya..

noted on this po next visit po itatanong ko po ito sa pedia nya. maraming salamat po

Ifold mo po yung dalawang hands ni baby sa dibdib niya tapos alalayan mo sa pwet, bale naka talikod sayo si baby. Habang nakafold sa dibdib niya ang mga kamay nya, ilalay nyo po sya na naka ganun ang pwesto. Tatahan po sya sa ganun

As of now ayaw sya ibigay sakin ng in law ko kasi pinaiiyak ko lang raw maghapon na sa kanya if ever man may gagawin sya pinababantayan nya sa mga anak nya. Tama pa po ba yon? 😭😭😭😭

Opo nga e, wala na naman ako magawa kundi mag rant dito at tumulo ang luha hehe. Masyado kasi silang strikto, konting iyak lang sobrang nagagalit na kaagad, tunay palang mahirap kapag kapisan hehe 😌😭

Sobrang disappointment na yung nararamdaman ko. Kasi nung una isang iyak lang ni baby inaagaw na agad sa akin, nasanay na siguro sya na yun ang magpapatahan sa kanya 😭😭😭😭

Ang nakakapag patahan lang sa kanya yung in law ko e nagagalit na din sakin kasi sarili kong anak hindi ko mapatahan. I need a help, please give me some tips 😭😌😌

Lagi po ko sya kinakausap binubulungan ko pa nga po na ako si mommy nya. Opo tabi kami matulog, pag maggising lang talaga sya after dede iiyak na hahanapin na yung karga ng in law ko

try nyo po lagyan haplas ung tyan tas ipadapa nyo sa dibdib mo tapiktapik mo likod baka makati o kaya di comportble mga suot nya o baka may nakagat sknya

maalagabpo ako sa pag lalagay ng acete sa tyan nya po. itry ko po sya na padapain sa dibdib ko po, salamat po

try niyo po padapain siya sa lap niyo then tap niyo gently sa may hips niya..yung panganay ko po dati ganun nagpapakalma sa kanya..

Sge po itry ko po. Maraming salamat po

VIP Member

Swaddle at white noise sound machine. Ilang months na si baby? Baka nag ggrowth spurt siya.

Trending na Tanong

Related Articles