philhealth

Help naman mga mommies, kabuwanan ko na ngayon. Relaxed na sana ako kaso nalaman namin ni hubby na hindi kumpleto yung bayad ng employer nya sa philhealth nya. Nilalakad na daw nila pero hindi ako makampante eh. Meron akong philhealth pero last na nahulugan siguro 6 years ago pa. Pwede ko pa kaya yun hulugan para magamit ko kahit kabuwanan ko na ngayon? Voluntary din lang nga pala yung membership ko. Salamat ng marami sa mga sasagot! God bless!

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Last July 29, 2019 po ako nanganak emergency cs pero yong last ultrasound ko po ay Sep. 3 saka ako nagbayad po ng P2400 which is 1 yr. na contribution sa Philhealth po. Tas ang na kaltas po sa bayarin ko is 19k sakin, then 19k po kay lo ko.

Pwde po sis Pa update u LNG 2400 bayad for whole year ako nga 2015 Pa hulog KO nag bayad LNG ako 2400 para magamit KO siya this month sbhin nyo LNG po gagamitin nyo sa pangnganak need nila latest ultra sound Mo photo copy I aatached nila un

VIP Member

Hulugan nyo lang po. Para maactivate di pa naman po kayo nanganganak eh Kasi yung sakin yung 600 na hinulog ko march sya hinulog. Chineck ko yung sakin sineperate sya into 3 months. So january to march may hulog ako nun.

Ganyan din po yung tanong ko, sana pwede pa. Bukas pa po ako pupunta ng Philhealth para mag'inquire. December naman EDD ko. Tapos ang last na payment ko is nung january kasi OFW ako at nag'exit na.

Post reply image

ako din yung sa hubby ko na Philhealth ang gamit ko, pag sa private hospitals 2,500 lang pala ang discount pag sa panganganak pero pag government at lying in mas malaki

VIP Member

Magbayad lang po kayo this year ng 1 year contribution po para ma activate uli ang contribution niyo tas advice rin kayo na preggy po kayo sa philhealth officer nila.

VIP Member

Pwede pa po. Sabihin niyo sa ia-avail yung yung para sa Women About to Give Birth, 2400 po ang hulog. Dala lang po kayo ng ultrasound and i.d.

5y ago

So kailangan po talaga na naka admit talaga kase may requirements. Ang worry ko lang baka tumagal ako sa ospital if ever kase hihintayin pa yung magaasiakaso. Pero sabi naman sa Philhealth mabilis lang daw po yun kaso kailangan agahan ang punta.

thank you sa insighta mga mommies. tamang tama may scheduled ultrasound ako bukas. asikasuhin ko agad after. salamat ng marami!

Hindi napo, i know dapat my prior hulog ka na 6mos bago ka makagamit

oo sis.. mag babayad ka muna ng 2400.. gnyan din ginawa koh..