Pure breastfeeding

Help mga mommies.. 1 month na kasi akong delay etong april nung march twice akong niregla. Pure breastfeeding and Cs ako mga mommies. Pls h#advicepls #1stimemom #pleasehelp #worryingmom

Pure breastfeeding
10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

QUESTION#1: Normal ba na ma-delay ang regla kapag nagbre-breastfeed? SAGOT: Oo, normal lang. Ito ay dahil sa nagsisignal ang katawan sa utak na huwag munang mag-produce ng hormones na responsible para mag-regla ang isang nanay gawa na rin nang may sumususo pang bata. Posible din na ma-delay ang susunod na mens kahit na nagkaroon na nang regla. (May breastfeeding moms na nagkaka mens kapag more than 1year na ang bata. Ang average months ng pagbalik ng regla ay approximately 14.6 months kapag nasusunod ang breastfeeding on demand) QUESTION#2: Paano kung nagkaroon agad? Okay lang ba yun? Bakit mabilis o maaga akong nagkaroon ng regla? SAGOT: Okay lang yun. Iba iba ang bawat babae at kaya dinadatnan din nang maaga ang ibang breastfeeding mom dahil hindi nasusunod ang feeding every 2hours o ang breastfeeding on demand. For more info, please click link about Breastfeeding as Birth Control Method: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=271045450185722&id=216185339005067 DISCLAIMER: Hindi po ako OB-Gynecologist. If you have any concerns na medyo worried kayo, please consult an OB.

Magbasa pa