am i pregnant?

Helloooo mga momshiesss, hmm tanong lang po? mag 3months na po kasi akong hindi binibisita ni menstruation simula pa nong may hanggang ngayon. then yung last ko pong inabot nong april 3days lang tapos wala na, regular din naman po ako 5to6 days, hmm nag PT na rin po ako, ang unang lumabas positive, then try ulit negative na. Hmm lagi din akong nagtatanong sa mga may first baby kung ano yung sintomas nang pagbubuntis. noong may lagi akong nahihilo, tapos laging mainitin yung ulo ko, tapos ilang days lang yung nakalipas, parang emosyonal ako Lagi hanggang ngayon, nasusuka din po ako, pero di yung morning sickness na tinatawag, minsan hapon, minsan 12nn ako nasusuka. Then nagtataka lang po ako, kung bakit yung mga nagbubuntis malakas kumain, samantalang ako unti lang kumain, may times din na malakas kumain kaya lang di naman araw araw, tapos gusto ko pong laging mahiga lang. yung ibang sintomas po, di kopo nararanasan. Sabi po kasi nung ibang momshiess dapat lahat daw ng sintomas maranasan ko. tanong lang po. lahat po ba dapat ng sintomas maranasan ko? para malaman kong buntis ako? 1month delay ok pa po yun eh, kaya lang po 2 months na akong delay kaya nagtataka na po ako.. Pasagot naman po mga momshiess. Thankyou. btw ka momshiesss 20 years old pa lang po ako, kaya wala pa po akong masyadong alam sa pagbubuntis?..

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Every pregnancy is unique po. Hindi kailangan maranasan mo lahat. Ako sa first baby ko asnin walang signs. Hindi ako naglihi normal lang lahat. Sa 2nd baby ko nagstart sya sa nagLBM nasusuka masakit ang chan at mahihilo. Best pa din po to consult you OB. Recommend niya na magpa ultrasound ka to confirm. Pero kadalasan dapat atleast 8wks para malaki na sya enough to see the heartbeat.

Magbasa pa
5y ago

Sige po. Thankyou

VIP Member

Case to case po yan like s 1st pregnancy q normal lng hnd aq nsusuka or nahihilo knowning ngwowork pq nun as in mei energy aq, but now s 2nd pregnancy q extremely tired aq gsto q nkhiga lng wlng energy in short tas sumusuka aq npka emosyonal.. Hnd mo nmn po need lhat mrmdman ng symptoms ee iba iba po taio mgbuntis.. :) but ofcourse pra mcgurado n buntis ka mgpa check up kn..

Magbasa pa
5y ago

Cge hehe pcheckup kn asap :)

Ako mumsh ganyan din, nadelay ako ng 3 months na, pero ung pag susuka ko laging hapon. Them, sobrang emosyonal ko. Pero hindi rin ako malakas kumain. Nag diet pa nga ako non. Hindi ko alam na buntis na pala ako. Pag faint line daw kasi positive na yun mumsh 💗

5y ago

Sana nga momshieee, preggy na ako. Pangarap kuna talaga ma preggy eh😍

Magkakaiba ng pagbubuntis ang babae. Kung delayed ka pacheckup kana at maconfirm na buntis ka . Need maresetahan ng vitamins etc na mas kelangan sa first trimester

Hindi naman po lahat ng buntis pare pareho ang nararamdaman. Consult ur ob na po para mas sure.

5y ago

Sige po thankyou

Magpa ultrasound ka na lang po para sure king buntis ka or Hindi.

Pa transV ka para sure

VIP Member

Pacheck up kana sa OB.