9weeks first timer preggy
Hello po newbie po ako sa app nato, matanong kolang po sana ano po ang mga iniinom na vits ng mga 9weeks na preggy like me? nakapag pa check up na po ako sa ob ko at binigay lang sakin is calcium and folic for the baby pero sabi sakin ng sister ko na may 3 anak na e bakit wala daw nireseta sakin na multivitamins??? salamat po sa sasagot :)

Sis every monthly prenatal check up ay minomonitor ng OB ang condition ninyo ni baby kaya alam nya yung proper timing ng vitamins base sa pagsuri nya sayo. Prior 3 mos ganyan din advise sa akin then nung ika 3rd month pinalitan na nya yung folic acid ng prenatal vit tapos nag reseta din sya ng ferrous sulfate at iba pa na base lahat sa results ng laboratories ko. every pregnancy is unique sis kaya pwedeng iba ang reseta sayo. Pero you can always ask your OB naman if bothered ka and you feel na need mo ng other vitamins.
Magbasa pa