129 Replies
Aq momshies 4weeks 7 days si baby narining q na agad heartbeat nya at nakita q si baby as an embryo plg, by using trans vaginal ultrasound, pag di po sinabe ni doc pedeh pong mag request sa kanya di nman kmahalan 900 binayaran q..advantage po nito is malalaman kaagad qg tama ba ang tinuboan ni baby, baka kasi nasa labas nang uteros also known as eptopic pregnancy, dilikado po yun. Pedeh rin na H-Moles pregnancy positive ka sa pt ang akala mo buntis ka pero hindi po nag develop ang baby in short walang laman na embryo or baby ..placenta lg meron at continue syang mag ggrow hanggang sa maging tumor po ito sa mommy same lg ang sintomas na parang buntis ka talaga...based on my sisters experienced po..mas mahal po ang process at treatment. Makikita din po sa trans v qg mababa ang pag tubo ni baby kaya maagapan nang nang pampakapit .. Dapat po monthly ang ob check up..sana po mkatulong..5mos pregnant here..😊
Gnyan din skin nung nag 5weeks 5days na si baby sa tiyan ko nag pa transv ako pinakita skin ung heartbeat ng baby ko gumagalaw pa nga po at tinuro pa mismo ng babae na nag papatransv skin pero hindi din nila pinadinig skin heartbeat nya. Tapos nilagay sa resulta no fetal heartbeat pero meron gestational sac at yolk sac. Pti date ng papel kung ano araw ako nagpatransv minali nila nkalagay may 5 smantalang may 6 ako nag patrans v sknila. Feeling ko pineperahan lng ako ng ob dhil nung nkita nga nya wlang heartbeat anak ko gsto nya pa ipaulit tpos ang mahal mahal pa ng transv saknila 700pesos po. Tpos ang labo pa ng picture yung nagpatrans v ako Kya di na ko bumalik sa ob ko sa iba nlang ako nag pacheck up.
Ako sis 6weeks pa lang si Baby ko may heartbeat na sya.. Kung di ka mapakali sis, try mo 2nd opinion sa ibang OB para mapanatag ka sis. ang alam ko kasi yan ang major na I-checheck ni OB first, yung Heart Beat ni Baby. Kasi first TransV ko Gestational Sac lang nakita, repeat Ultrasound ako after 3 weeks dun na confirm na may heartbeat na and 6weeks preggo na ako. hehe now I am 12 weeks preggo malakas na heart beat ni baby.
ngek.. bat ganun ob mo sis.... sakin naman 7 weeks hnd pa nakita sa ultrasound pero 12 weeks kita na heartbeat ni baby tinuro p nga ni ob qng asan ung heart... pag transV aun mas maaga 7 weeks kita na un... yung heartbeat tlga hinahanap nila kc importante un sa parents nakaka gaan kc sa pakiramdam na alam mong ok si baby^^ baka naman gender ung ibig nyang sabihin... hnd heartbeat...
yung saken saken 12 weak n rinig ko n e kaso hindi ganyon kalakas mahina n lng kc sabi ng ob ko maliit p daw cia... ang sarap pakingan iba yung feeling ko ng mga oras n marinig mo yung heart beat ng baby... basta kakaiba....magtiwala k lng maririnig mo din yung heartbeat ni baby mo... thankz god 5month n baby ko...god bless sa inyong dalawa ni baby
Eme nyang ob mo. Tamad lang ata mag doppler. Bakit di nya muna try kung may maririnig na ba o wala pa? Ako 10 weeks pa lang, narinig ko na agad yung heartbeat. Saka every check up dapat yan ginagawa, bago ako mag 10th week nga kahit alam naman ng ob ko na masyado pang maaga para marinig heartbeat ni baby thru doppler, nagtatry pa rin sya.
Every check up ko pinapakinggan ung heartbeat ni baby pero around 4 to 5months nung check up ko hindi mahanap heartbeat ni baby, tapos sabi pa ni doc mahina kapit ni baby . I decided n lumipat ng ob for 2nd opinion . Okay naman si baby . Sabi lang may time tlaga n mahirap hanapin/kapain kasi minsan sumisiksik sia s singit
Pacheck po kayo sa ibang OB. 6 weeks palang po ako nun hindi ko narinig heartbeat ni baby pero nakita ko thru TVS na meron siyang heartbeat. And nung 14 weeks ako thru doppler narinig ko na sound ng heartbeat niya. Para po di kayo mangamba o mastress sa pag aalala, mas maganda nga po na magtry kayo pacheck sa ibang OB.
Ako 1st ultrasound ko is 4 1/2months si baby .. that's 18weeks and 3days rinig na rinig ko heartbeat ni baby ko . 23weeks na si baby ngayon the last 2 check ups we did was okay nman rinig agad heartbeat ni baby sa doppler .. sa june 2 na uli next check up namin
monthly dapat chinecheck heartbeat ni baby. ako nga 5months nung last check up ko, di mahanap ni doc heartbeat nya gamit doppler. kaya nagparequest agad sya ng ultrasound. ayun okay naman si baby. breech pa kasi kaya yung pwet daw siguro ni baby nakakapa nya.