Agree po, mommy.
Ako po unexpected po ang pagdating ng baby boy ko. 19 years old palang po ako and nag-aaral pa. Pero kahit sobrang takot na takot po ako sa Mama at Daddy ko, hindi ko po naisip na ipalaglag si baby. 5 months na po yung tyan ko nung nalaman ko pong preggy ako. Sobrang blessed parin po kasi pinanindigan ako ng BF ko at mahal na mahal kami no baby. Sabi ko sa sarili ko, may dahilan si Lord kung bakit Niya binigay agad sakin si baby. Ayun nga po, namatay ang Mama ko last March dahil sa cancer. Kumbaga, parang si baby po naging kapalit ni Mama kaya mas minahal ko po talaga ang baby ko.
Ngayon, malapit na po siya mag3 months old, sobrang kulit at active. Hehehehe. Love na love po siya ng daddy niya at ng Daddy ko (lolo niya). Sobrang blessed na dumating po ang baby ko. 💙