Haizt gusto ko lang maglabas ng nararamdaman ko. Pasensya na kung mahaba.
Separated ang magulang ko. Lumaki ako sa side ng mother ko. Sila ng step dad ko ang nagpa aral sakin at sumuporta hanggang sa pagpapakasal at makapundar ng sarili naming bahay magasawa.
Ang biological father ko ay may sarili na ding pamilya at 1 anak.
Maayos naman ang relasyon namin pero hindi ako malapit sa kanya kasi minsan lang naman kami nagkakasama noon
pag may okasyon bago ko mag asawa nagkikita kami. Nagbibigay din ako ng gifts (in cash).
Nitong lock down nakapagpadala din ako kahit papano. Pa extra extra lang kasi sa work ang tatay ko. Yun daw ang dahilan kung bat sila naghiwalay ni mama. Tamad daw papa ko.
Bago mag lock down eh gustong magbakasyon ng papa ko dito sa bahay naming mag asawa. Nagdahilan nalang ako kasi nahihiya ako sa asawa ko. At isa pa ayaw ko din dahil baka magalit din ang mother at step dad ko.
Ngayon eto na nga,nagchat ang kapatid ko sa tatay. Hindi na daw sya pag aaralin ng papa namin. At si papa daw ay madalas na umiinom.
Sabi ko kakausapin ko si papa tungkol sa paginom nya. Pero sa tono ng kapatid ko parang gusto nyang ako ang magpa aral sa kanya.
Ang sabi ko sa kanya responsibility ng magulang pag aralin ang anak
Hindi ko alam san ako lulugar. Biglang lumabas ang sama ng loob ko sa tatay ko. Which is di ko naman naramdaman dati kahit di nya ko sinuportahan financially.
Pero ngayon, bat parang iaasa nya sakin ang responsibility nya sa isa nyang anak. Di na nga sya naging tatay sakin pati ba naman sa isang anak nya ganun pa din.
Mahal ko ang tatay ko at never ko syang sinumbatan. Hindi naman sya pala hingi sakin pero nagpaparinig. May time nga na pag wala ako mama ko pa mismo ang nagbibigay ng pera pero pinapalabas naming sa akin galing.
Di maintindihan ang nararamdaman ko. Para kasing nagkakalabuan ang papa ko at kinakasama nya. Kung maghiwalay nga sila,san sya tatakbo? Hindi ko sya kayang suportahan kasi sakto lang naman din ang sweldo naming magasawa para magkaron ng komportableng buhay. Trying to conceive din kami sa ngayon. Nai stress pa ko. 4 mos. Na kaming nagtatry pero wala pa rin. Last year nakunan ako. Sinabi ko sa papa ko yun pero walang reply. After 2 weeks nangungutang,sabi ko kaka raspa ko lang at wala akong pera. Di daw sya aware.
Haizt. Any advice po? Sabi ng mama ko wag daw ako pastress sa papa ko. Di ko naman maiwasan. Nagchachat nga step mother ko di ko muna nirereplayan