Walang sickness

Hai . Gusto ko lang po magtanong kung normal lang po ba na Di makaranas ng tinatawag na morning sickness.. 7 weeks na po akong pregnant ang tanging nararamdaman ko lang ung pananakit ng sikmura ko minsan puson .. Hindi po ako nakakaranas ng pagsusuka or kahit na ano, saket ng ulo minsan lang, pero madalas talaga ung pananakit ng sikmura ko o kaya po puson.normal lang po ba un ?

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa first baby ko meron akong morning sickness pero ngayon sa 2nd baby ko (5weeks pregnant) wala naman at ayoko ng maranasan ulit yung susuka ako ng susuka haha.. madalas lang pagsakit sa puson ko pero nawawala din naman tas mas mabilis ako magutom ngayon sa 2nd baby ko compare sa pagbubuntis ko don sa panganay ko😅

Magbasa pa

ay wag mo na hanapin ang sickness na yan dahil baka sukuan mo.. maswerte ka dahil wala kang morning sickness (sa case ko buong araw na suka). normal yang pangangasim ng sikmura. and sa pagsakit ng puson at balakang, sabihin mo yan sa OB mo para mabigyan ka ng pampakapit kung sakaling need man.

2y ago

sige po Salamat po

hello first time mom din po ako and 7weeks. wala rin po cravings and morning sickness. heheh pero ayaw ko po maranasan yung morning sickness. 😅 gutom lang po ang madalas ko maramdaman. tapos minsanang pagsakit ng puson.

ako rin nalaman kong preggy ako 7weeks 4days na,kc wala akong ibang nararamdamang morning sickness. minsang pananakit ng likod at puson lng nawawala din naman.

napaka swerte nyo po, ako 7weeks na ngayon epro mula 5weeks ako sobrang selan na