Teenage Pregnancy

hadlang po maging teenage mom para makapag aral ulit? ano po ung mga bawal at pwedeng kainin? im only 18 yrs old and idk po kung ilang weeks na ung dinadala ko, nag pt po ko 2 lang beses 1 araw lang pagitan nung nag pt po ako, pinanindigan naman po ako ng bf ko which is 21 na po sya, same po kami nag aaral pa. hindi pa po ako nakakapag pa check up kasi inaasikaso pa po yung kasal namin sa huwes. ineed some advice po ?

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, just to share my story. I was 18 back then nung pinagbuntis ko ang son ko which is turning 6yrs old na ngayon and I was 3rd year college student with lots of paperworks sa school. as in patayan ung year naun but carrying him inside my womb was never a hindrance. I just faced it with heads up high kahit pinagcchismisan ako sa buong department. Especially I served as student council back then at mataas ang expectation. Good thing about your situation is pinanindigan ka which I never experience kasi walang balls ung tatay ng anak ko and pamilya niya. So from there, tinaguyod ko pregnancy ko alone. I finished all my papers and exams ng april, then May 2 nanganak ako with my bouncing baby boy. Then May 30 nagenroll ako for my 4th year.. Mom ko nag-aalaga sa son ko sa morning, then paguwi ko from school hanggang 4am, ako nag-aalaga while studying on the side. Literal na kapag tulog na si baby, aral naman ako. Mahirap yes pero masasabi kong worth it lahat ng pagtitiis at pagttyaga ko. What drives me? ung mga taong nagsasabi na "di na yan makakatapos", "hanggang dyan nalang yan", "sira na kinabukasan nyan". Grabe mga tao noh? napaka judgemental. Pero I prove them wrong. I graduated on time, I was able to give my son a decent 1st birthday and Christening which a month after my graduation. I was earning enough for my child from my first job and now, I was earning more than enough for my whole family. TYAGA, TIIS at FAITH lang mommy. Mas okay ung may natapos tayo kasi yun ang foundation natin to get a better job. Kung nagstop ako at di ako nag-aral baka hindi ko naibbgay ang needs ng anak ko ngayon. It takes super mommy strength to conquer the world and I know na kung nakaya ko, you can definitely do it ! Just keep praying and kapag pinanghihinaan ng loob, always remind yourself that you are doing it for your child.

Magbasa pa

Hindi nman siya hadlang pero kung gusto mo ipagpatuloy pagaaral mo ngayon, maging handa ka sa judgements nang mga tao at masasakit na salita. May friend ako na graduating student siya, saka pa siya naging pregnant. Ang ginawa niya tinapos niya kahit lumalaki na tyan niya. After graduation, nanganak na siya atleast tapos siya magaral. Then after pagaalaga sa baby nang 2 years, saka siya nakapag work sa office. Dapat ipacheck up ka na sa OB para mamonitor health mo and health nang bata. Be ready for sudden changes in your life. Kasi ang mga pagdedesisyon this time laging uunahin ang welfare nang bata, bago ang welfare niyong dalawa. Nakakabigla yan, ako nga 25 this year 2014 nag graduate, nakapagwork narin pero eto gulat padin ko sa blessing dumating baby ko this year I'm going 4 mos na. Maraming challenges, madalas magaway kmi nang asawa ko kasi LDR kami now. Pero kakayanin para maging buo ang pamilya namin. Gawin mong motivation ang baby mo sis, para bigyan siya nang magandang buhay at mapalaki siya nang may pagmamahal. Wag kang kabahan or matakot, basta humingi ka lagi nang advice sa parents mo at sa parents nang magiging asawa mo since sila ang nakakatanda. Kelangan mo nang emotional support para kayanin mo tong big change sa buhay mo.

Magbasa pa
5y ago

Welcome sis. Always pray for guidance and for a safe pregnancy. ❤️

okay naman yan.. nga friends ko nga habang buntis nag aaral.. sa awa ng Diyos naka tapos kami 3.. 4 kami na mga friends at silang 3 hbng nag aaral na buntis.. ako lng hndi.. pero ngayon ako na naman ang buntis.. khit nga graduate na ako na jujudge parin kasi aga pa daw na nag asawa at wala pang work.. buti nLNg pinanindigan ako ng fiance ko.. kasi baka buntis na ako bago sya nag propose sa akin.. 1day before sya babalik sa kanila nag pt ako at yun nalaman namin na buntis ako.. minsan nga kapatid ko at mama ko pa ang nag da-down sa akin kasi kung d dw sana ako nag asawa or nabuntis agad. kahit saan daw gusto ko pumunta ma puntahan ko.. pero patatag lng talaga ako . sa fiance ko nLng nilalabas ang sama ng loob ko sa kanila.. Graduate na nga ako nyan hu!.. pag patuloy mo pag aaral mo kasi pag nakatpos ka makakabawi rin naman tayo sa mga parents natin kahit my mga anak na tayo.. GO! GO! GO! lng tayo mga momshie😊

Magbasa pa

It's not a hindrance. Ako I'm not a teenage mom but young mom-to-be at 20 and I'm married at 19 but I'm still studying at the uni. You just have to plan it out carefully and always ask for help if you don't know what to do. Ako kasi I decided to continue the 2nd semester sa uni even if I'm pregnant. It's up to you if you want to pursue your education during or after your pregnancy. Kung kaya mo naman mag-aral during pregnancy, go lang. Don't mind yung mga possible judgements na mare-receive mo from your classmates/schoolmates. And also bawal yung grapes, papayang hilaw, pineapple, raw meats and fish, alcoholic beverages (very obvious 'to), unpasteurized dairy products. Isingit niyo na yung pagpapa-check up sa health center if kapos sa budget or sa OB pag medyo may datung kayo habang inaasikaso niyo yung kasal niyo. Monthly lang naman ang check up so keri na yan.

Magbasa pa
5y ago

salamat sis

hindi po, as long as willing ka mgtapos at mapagsabay pagiging mom and student. advise lang po, base n rin to sa experience ng malalapitn tao sakin na gaya mo maaga nabuntis, mas matanda pa nga sayo..inuna ang kasal kc "kahihiyan", eventually ngMature sila at naExpose sa ibang tao, sa iba environment..in short dun palang nila narealize my iba pa pla sila gusto..ngpakasal at di ngtagal naghiwalay..hindi ko cnasabi gnun lahat..pero ate mahirap yun documented na kasal kna tpos hndi pala happy ending...hindi mo na yan mababawi pa..npakabata mo pa, masasabi kong hindi pa gnun kaMatured, kahit yang 21 sa lalaki, isip bata pa yan...pag-isipan mo sana mabuti, unahin mo mgpaCheck up at yung needs nyo..mkkapag-antay ang kasal, madami png gastos yn pgbubuntis 😊

Magbasa pa
5y ago

thankyou poo 🥰

same po tayo, im only 18 when i got pregnant to my 1st born na 10years old na ngayon..nagstop ako magschool nun malapit na ako manganak and after 2 months, back to school at nakuha sa tiyaga nakagraduate ako..and ngayon, meron magandang work..ngayon im 2 mos preggy to our 2nd baby! go girl, gawin mong inspiration si baby para maging masikap sa buhay, and just be careful lagi during pregnancy and even after manganak, para iwas binat..

Magbasa pa
5y ago

thankkyouuu po 🥰

no, no, no mamsh! I'm 8 weeks preggy na and still pumapasok pa rin. don't forget to tell your prof or instructors na preggy ka so that di ka nila bibigyan ng heavy school works that will cause you stress and para aware din sila at the same time. don't forget to bring umbrella, towel and tubig nalang din everytime na umaalis ka. stay blessed! 💓

Magbasa pa

ipagpatuloy mo lang studies mo 😊 27 nako 2nd baby ko na ito 19 ako nung una ko ngkababy stop ako nun kasi may financial problem kami ... ngaun 3rd year college nako tuloy padin pagpasok kahit anong mangyari ... bsta may given chance to finish schooling go lang ! isipin mo pra sa future ng family at babies mo 😊

Magbasa pa

Wala naman masama kung mag aral ka ulit o nagaaral ka ngayon basta make sure okay yung baby mo. Ingat ingat lang din. Sa inaasikaso mo namang kasal unahin mo muna mag pacheckup para malaman mo ilang weeks kana para maresetahan ka din ng mga vitamins. Lahat ng mga katanungan mo ob mo makakasagot kaya pacheck up kana.

Magbasa pa

mas bata pa ako sayo ate..Im a teenage mom din po..hindi hadlang ang pagkakaroon ng anak para makapagaral tayo..just think the future ng bata para makakuha tayo ng inspiration 😚and ngayon na may blessings na binigay sayo, kailangan mong pagaralan lahat ng bawal at pwede..goodluck sa baby mo💖

5y ago

salamatttt siss😍