39weeks and 1 day now.

Habang papalapit ang due date KO may2 kinakabahan at na eexcite ako.. Sana Mkaraos ng walang problema .. Walla pdin akong mucus plug na lumalabas puro white discharge lang .. Waiting sa mucus plug para I know its a sign na .. 🙏🏻 Sana maka raos na tayo mga mi.. Sa mga team may dyan kamusta ? 😊

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Team May here pero nanganak na ako nung April 25 😅 Morning ng April 25 may pink discharge ako tapos yung next nun naging color brown siya mga tanghali siguro yun. Tapos sumasakit na yung tyan ko ng after lunch hanggang hapon pero tolerable pa naman yung pain. 6pm ata yun nung pumunta na kami ng lying in kasi hindi na ako mapakali, sabi sa lying in 1cm pa lang ako. Niresetahan ako ulit ng pampalambot ng cervix. Naglakad-lakad pa ako nun bago umuwi sa bahay, nakainom pa ako nung pampalambot ng cervix isang capsule. While eating dinner every 5mins sumasakit ang tyan ko ng mga 70 seconds siguro. Nakahiga ako ng I think mga 10pm yun tapos sobrang sakit ng tyan ko, I'm on active labor na pala. 10:30pm pumutok ang panubigan ko kaya bumalik kami agad sa lying in. nag IE sila, 3cm pa lang daw. Oobserbahan daw ako dahil pumutok agad panubigan ko, dapat 1am nag improved na yung cm ko para hindi ako dalhin sa hospital. 1am, finally nung chineck ulit nila ako 9cm na ako. Ang bilis lang pero nahirapan ako manganak dahil cord coil 2x ang baby ko, 3:02am na ako nanganak. After ko pa manganak muntik pa akong mahospital dahil nag collapse ako at hindi makausap ng maayos, ang bagal ng response ko sa tanong ng midwife dahil nandidilim ang paningin ko. Pero buti na lang talaga at hindi ako pinabayaan ni lord at si baby. 50/50 na daw kasi ako nun. Hopefully momsh maging safe ang delivery mo, kayo ni baby. Pray ka lang, walang imposible kay God. 😊🙏🏻

Magbasa pa
2y ago

Ang weird naman, bakit kaya hindi ka niresetahan ng pampalambot ng cervix? Saan ka pala manganganak? Hopefully nga momsh hindi ka maover due. Samahan mo na din ng pray yung pagkausap mo kay baby, hehe. Kaya nyo yan. :)

naku sis wag mong hintayin ang mucus plug, kasi di lahat nilalabasan nun based sa experiences ko at ng mother ko. ike sa 1st pregnancy ko waley mucus plug pero naglalabor na pla ako. sa 2nd ko, may mucus plug at inabot ng ammost 8days bago ako nagactive labor. basta kausapin mo lang lagi baby mo at weekly check up na dapat + IE from OB yan. pray lang at relax. wag na pakapagod kasi hirap maglabor at umire if pagoda.

Magbasa pa
2y ago

yes sis relax relax lng Muna squat and exercise every morning 😊

TapFluencer

Same sis 39 weeks na. White discharge lang no mucus plug. Relax lang tayo si baby mag sisignal kelan sya lalabas. Ipon ipon na energy sa pag ire. 😊

2cm na ako sa last IE sakin mii May 5 EDD ko mii meron nadin ako discharge na sticky bloody mucus,nung 26 lang Sana makaraos na tayo ♡

2y ago

kaya nga mi ang mucus plug Diba bloody sya na slimy or kahit white discharge sya na my sipon.. ?

same here 39 weeks and 1 day sana makaraos na tayo hirap magdiet hehe