Sumusobra ba ako?
Guys, sumusobra ba ako? Lagi ko kasi tinatanggihan si MIL pag gusto niya itabi ang baby ko sa gabi. Okay lang saakin during daytime pero pag sa gabi, ibang usapan na iyon. BF kasi si baby, iyan iyong isa sa mga rason ko kung bakit ayaw ko mahiwalay saakin si baby sa gabi at may nangyari kasi na nagising nalang ako ng 5 am na wala na si baby sa crib. Nung time na iyon sinabihan kami ni MIL na huwag daw namin itabi si baby tapos ayun nandun na pala sakanya - tinabi niya. Ang sabi niya narinig niya daw si baby na gumagalaw-galaw kaya niya daw kinuha, sinagot ko siya na sana ginising mo ako, ma. Pero sana narinig namin yun diba? Nung time na yun nandun siya sa sala natulog, so how? Impossible naman na hindi namin narinig kasi nasa tabi lang namin yung crib. 🙄 Engorgment days ko ito kaya bwiset na bwiset ako nun kasi more than 6 hours na si baby di dumedede and she was a days old pa lang and nalipasan na kaagad. Sabi niya kasi sakin na huwag ko daw padedein si baby palagi kaya niya siguro hindi ako ginising at pilit pinapatulog iyong bata na walang dede nung mga time na iyon. Kaya ngayon I don’t trust her na itabi sakanya yung bata baka mangyari na naman yung ginawa niya dati. But I feel bad kasi first apo niya e pero at the same time mas naawa ako kay baby. Sumusobra ba ako? PS. I hate her guts nung buntis ako sobra ako na stress dahil sa lockdown at tapos ako pa yung giniguilt trip niya at blaming me after helping them kasi di sya pabor sa ginawa ko and until now ni wala ngang sorry or thank you akong narinig pero that’s okay. I’m being cautious na sakanya. Kaya rin siguro madali lang saakin tanggihan siya sa mga bagay na gusto niya ipagawa sa anak ko na hindi pabor saakin. At pinapakita ko talaga na against ako sa gusto niyang gawin lalo nat namimilit siya. Iwan ko ba may vibe lang talaga siya na hindi ko gusto since hindi pa ako nabuntis. Pps. Nakabukod kami.