FISHY NG SSS - RANT LANG
guys hnd ko alam if ako lang ba nakaexperience sa sss ng ganitong scenario... -pumunta ako sa sss para mag inquire sa maternity benefit, kasi almost 1 yr ako hnd nakapag hulog kc nawalan na ako ng trabaho last july 2018.. Hindi ko na rin naasikaso kasi wala pa akong pera pang hulog, at ngayon nagbuntis ako nabasa ko kc dto na need na ayusin ang philhealth at sss the moment na makapag pa ultrasound ka.. Pag dating ko doon mag inquire na ako kay ate girl, sabi nya hindi daw ako eligible.. Tinanong ko sa anong reason? Ang sagot niya kasi 1 year daw ako hindi naghulog, eh sabi ko next yr pa ako manganganak ang alam ko kahit man lang 3 months bago manganak ako makapag hulog.. Then sabi ni ate girl pili lang daw ang magbebenefit sa bagong maternity law ng sss ikeep nalang daw nya ung mga photocopy ko ng ultrasound at supporting docs na dala ko, nagtaka ako bakt nya ikekeep eh sinabi nyang hnd ako eligible napaisip ako kasi ung kawork ko noon 2017 sya nanganak sabi ng sss sa kanya narelease na ung cheke nya 32K yung sa kanya eh hindi pa naman nya kinukuha kasi tuwing ifafollow up nya sa telepono sabi wala pa inabot ng 2 mos sa kanya pinuntahan nya pero sabi don may nag claim na daw nanlaki mata nya kasi hindi naman nya pirma yung nasa form.. Kaya hindi ko sinurrender kay ate ung form ko, then sabi ko cge iupdate ko nalang yung status ko at mag apply nalang ako ng pang umid id ko para may government id ulit ako. Then sabi nya hindi pa rin daw pwede, next yr ko na lang daw gawin ung mag update ng status at mag apply ng umid id 1 month bago ako manganak.. ? Sabi ko seryoso ka teh? Ultimo pag update ko ng status at pag apply ng umid id pahirapan... Sumagot sya ganun daw talaga.. So nanginginig na ako sa galit at bwisit as in umaga pa lang maatitude na si ate girl.. Nawalan ako ng gana tuloy mag process ? babalikan ko nalang sya pag alam kong kapit na kapit na anak ko ? Hnd ko na sasabihin anong branch... Pero beware nalang din sa maeencounter nyong ganyang employee... Sorry ang haba ng rant ko... ?