Help me mommies,

Gustong Gusto na Ng Hubby ko na masundan Yung 4yr old naming Panganay na lalaki. Huhu kaso Hindi talaga makabuo Wala po akong tinatake na Kahit anong Birth Control as in Wala ni Isa po. Ano Kaya Ang dahilan? Salamat po sa Sagot, Nag take napo ako ng Vit. Like Myra e kaso hindi ako hiyang huhuhu. 😭😭

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pa check up ka po sa ob para ma bigyan ka tips kung kelan best way makipag do kay hubby, more on dapat during your ovulation tapos resetahan ka nyan ng pang fertility pills, medyo price nga lang . 100pesos per pc 5days mo inumin yun, just to make sure lang yun na mag rerelease ng egg yung ovary mo . nung una hirap din kami maka buo then ayun nga nag pa check up ako at nagpa transv at pap smear narin after nun ayun buntis agad ako . di ko na nga nainom yung fertility pill ko .

Magbasa pa

Same po tayo mommy. Super hirap din ako mabuntis. Sa 1st born ko po, advise sakin is inom na ng Folic acid and anmum milk kahit di pa buntis. after 1month ko nun, nabuntis ako. Tapos ngaun ang sabi sakin mababa daw matres ko kaya hirap masundan panganay namin, and its been 4 yrs. I tried hilot 😆 And it worked. The 1st time I tried it, nakunan ako. Di kasi namin sure kung positive sya. But now, after 7months, buntis ulit ako. 😇

Magbasa pa

ako po 11yrs kami nagttry ayaw po talaga... bale natanggap ko na baka hangng dalawa lang talaga ang bigay samin ng Dios... tas nung October nag diet ako Lowcarb ako hangng ng feb hindi ako nagkaregla... nag pt ako nag positive sabi ng ob ko madami daw syang nagiging pasyente na nagdiet saka nabubuntis...

Magbasa pa
3y ago

Salamat po sa Sagot mommies 🥲

Mas okay po magpaconsult sa OB para po macheck din kung healthy pa ang mga ovaries natin at ang reproductive organ natin. Pati na din masabi ni OB kung kailan ang ovulation nyo po at kailan kayo makakabuo. Good luck mommy! Tiwala lang po 🥰

Pwede ka po mag consult sa OB para bigyan kayo ng supplements para maging mas healthy kayo pati yung reproductive organs niyo po. Icheck din po niya kayo for other possible factors na pwedeng dati wala na ngayon ay meron.

aaah. ganun pala yun?

siguro po stress kau both

3y ago

nung 6 yrs old na ang panganay ko nagpaalaga ako sa ob niresetahan ako ng fertility pills worth 250 each, for 5 months ko ininom, 5 days monthly twing may period para makaproduce ng eggs pero d naging effective, kya d k nkmi nagtry,wait na lng kung pagkakalooban pa o hindi ng panginoon, until gods time, 12 yrs old na panganay ko nung malamang nmin na buntis ako same sau wala din kmi contraceptive cguro yung walang stress at may tamang pahinga.dahil sa pandemic bawal lumabas nkapagpahinga kmi dahil wag pasok.everyday kasi biahe then work ang routine nmin laging pagod.also try mo din mag diet may mga kakilala ako na nabuntis after magdiet.may mga nagsasabi kasi dahil mataba kua d mabuntis. nagyon 13.5 yrs old na panganay ko 1.5 yrs old nmn bunso ko. both girls proud mommy marunong na mag alaga ng kapatid ang eldest ko. keep trying and dont lose hope.

Related Articles