Gustong gusto ko na makipaghiwalay sa lip ko. May isang anak kami. Masyado na syang abusado
. Physical, emotionally, mentally at spiritually. Abusado sobra. Pag nag aaway kami kasalanan ko lahat. Sugal, inom, babae ang nasa kanya. Oo aminado ako na may kasalanan ako kasi hinayaan ko na ganituhin ako. May nanggago at may nagpagago. Di ko lang alam saan ako magstart. Pano ko gagawin. Kakayanin ko ba. Tama ba desisyon ko na walang ama ang anak ko. Tho wala syang pagkukulang financially, lahat bigay naman.. pero dahil diba pag mahal mo ang isang tao,oo tanggap mo kung ano sila ,pero dahil mahal mo sila gusto mo din silang malayo sa mga kasalanan. Marami nagsabe sakin na maswerte na ako dahil di kami pinapabayaan, may magandang tirahan, pagkain at maganda ang pag aalaga sa amin ng anak niya. Pabayaan ko nalang daw kung anong ginagawa niya.. pero nagiguilty naman ako na pabayaan siyang nasisira, ano ang sasabihin ko sa Panginoon ? Kakasira niya sa sarili niya ,nasisira narin ako ng paunti unti.. at nasasaktan ako dun. Naguguluhan ako sobra, layuan ko ba siya at hahayaan masira ang buhay niya o magstay ako pero nasisira nadin ang sarili ko? Maintindihan siguro ako ng Panginoon kung bakit ako susuko na.