Anonymous Confessions: Barkada
Gusto mo ba ang mga kabarkada ng asawa/partner mo? ?⛹️ #anonymousconfessions
Okay lg naman. Puro mga bata pa dn kasi. Yung asawa ko mas matanda sa kanila dahil nagstop sya sa pag aaral ng ilang years. Mababait yung mga yun although umiinom paminsan.minsan. kahit kmi namang dalawa ng asawa ko nainom din minsan nung hndi pko buntis. Yun yung pinkadate naming dalawa, tnuturing nilang role model asawa ko at tatay ang tawag nila dahil nga naturingaang mas nkatatanda sa kanila and may asawa't anak na,kumbaga mas mastured na. . Ok cla sa school ksi sabay2 pumasok hndi nagbubulakbol nagtutulungan at ngayon sabay silang gumraduate.😊
Magbasa paSa totoo lang, hindi. Bisexual hubby ko, at noon pinapayagan ko sila magkita kita, umaga na kung umuwi hubby ko. Never ko pa nakita na nagdulot sakanya ng maganda ang mga yun kaya pag nagkakamustahan sila, mapait na timpla ko kasi panigurado ang next non "shot naman tayo" etc. Alam ko naman din na hindi sila boto sakin kasi babae ako. Luckily, hubby ko sinusunod nalang gusto ko para less away. Mas tiwala pa ako sa mga kaibigan niyang babae, puro business minded, nakakatulong pa sa relationship namin financialy at emotionaly.
Magbasa paHindi. Kasi pag di ako kasama ng asawa ko kung ano ano sinasabi. Pinagttripan ako, akala nila hindi ko nababasa mga chat nila sa GC nila. Ginawa ko pinagsalitaan ko sila ng mga alam kong baho nila. Ngayon ilag na sila sakin. Dapat alam nila yung limit, hindi yung porket barkada sila sila na lang lagi. Iba na ngayon may asawa at pamilya na dapat alam na nila lugar nila. Seaman din kasi asawa ko kaya nangungupal mga barkada nya panay kantyaw ng libre alak pati outing gusto asawa ko sasagot.
Magbasa paWalang barkada at di mabarkada asawa ko. Di ko alam kung magandang bagay ba yun. Para kasing naaawa naman ako sa kanya. Focus lang sya sa trabaho nya at samin ng magiging baby nya. Once in a while umiinom sya pero dito lang sa bahay namin. Ayaw nya lumayo kasi ako ang iniisip nya. May mga ilan din syang kaibigan na pinupuntahan sya pero sobrang bihira kaya di ko na rin sya pinag babawalan uminom kasi wala naman sya ibang libangan. Di namn nya ako, kami ng baby namin napapabayaan.
Magbasa paYes. Dahil kilala ko naman sila, and mostly sa mga kaibigan ng asawa ko kaibigan ko din.. Especially sa mga co workers niya since dati din kameng magkatrabaho, may iilan na di ko kakilala lalo yung mga bagong kaibigan niya, kapag di ko feel at sinabi ko sa kanya na may something iwasan mo na yon, di rin siya masyado nakikipag close.. Para sa katahimikan ko. Ahahaha pero kahit siya mismo kapag feeling niya B.I. yung nagiging friend niya di siya masyado nakikipag lapit. 🤩
Magbasa paYung barkada nya na barkada ko den. pero ung barkada sa trabaho. Big No. Di sa judgemental pero di maganda ang tingin ko sa knila lalot pareparehas na sila may pamilya pero kada sweldo magdamagan alak is layp ang gusto at may nalalaman pang makakapasok pa daw sila ulit bukas kase may doktor daw. gets ko na kung anu un kaya never ko na pinayagan asawa ko makisama sa mga yon. isang beses lang at ng makwento yan ng asawa ko, ekis na sila.
Magbasa paNo. Hindi naman sa judgemental ako kaso pansin ko talaga na karamihan sa mga friend nya ay mga BI. Lalo na yung katrabaho nya na lalaki sobrang bastos. Nag si send ba naman ng porn sa messenger ng asawa ko. Inaway ko tuloy sa messenger nakakabastos kasi na pareho naman na silang may mga misis pero ibang babae pinapanood. May tiwala naman ako sa asawa ko kaso delikado talaga pag BI ang mga barkada pano nalang pag nagkayayaan.
Magbasa paOkay naman ibang mga kaibigan niya. Yung isang babae lang talaga na katropa niya yung hindi ko gusto. Bastos kasi at plastik. Pag kaharap,akala mo close na close kayo. Pero ang totoo,hindi naman kami naguusap sa messenger kahit pa na friends kami sa fb. Which is siya din naman nag add sakin at hndi ako. weird lang kasi inadd niya ako,hindi naman niya ako kinakausap o kahit ano.
Magbasa paYes! Sa akin sila nagpapaalam pag gusto nila ayain asawa ko ng inom paminsan minsan. Alam din nila na simula nung mag asawa yung kaibigan nila, limited na lang ang time na makakasama nila asawa ko. At hindi sila kunsuntidor, sila mismo nagrereport sa akin at nagsesend ng pictures kung sino sino silang magkakasama sa inuman
Magbasa paNo, Kasi nakakalimutann Niya Kame family Niya pag kasama Niya tropa Niya ilang beses na nagiging cause Ng hiwalayan namin nag sasabi siya mag babago pera Wala padin di Kona po Alam gagawin ko sobrang nakaka stress 5months pa Lang ako nakapanganak tas nag bibigay na siya Ng ikaka depressed ko😭😭😭
Preggers