Long storyyy..

Gusto kolang po sana magkwento. Nakatira po kami ni LIP ko sa bahay namin. Ayaw ko kasi sa bahay nila kasi lagi nalang ako napupuna ni MIL at napagsasalitaan ako ng masasakit na salita. Alam ko naman na para kay baby lahat ng payo niya pero minsan po nakakasakit kasi siya lalo sa salita. Si LIP naman ayaw niya sa bahay namin kasi hindi niya gusto ang ugali ng pamilya ko. in short po ayaw namin tumira sa mga magulang namin. Ilang beses ko ng sinasabi sakanya na bumukod nalang kami kaso iniisip ko kasi ako naman ang mahihirapan kasi 1 month old palang si LO ko. at ang sabi naman ng LIP ko sayang naman daw yung perang babayaran namin sa paupahan kaya ang binabalak niya e magpatayo nalang kami ng sariling bahay. Kapag bumibisita naman po kami sa bahay nila MIL halos ayaw kong ipahawak sakanila si LO lalo na sa bunso nila na 16 y/o pakiramdam kopo kasi napipilayan baby ko sa pagbuhat niya. Nahihiya naman akong sumita kasi baka ma offend kolang po FTM kasi ako kaya nandun yung pangangamba at kapag si MIL naman po yung nagbubuhat lagi kaming nasesermunan at laging may napapansin. Bale naalala ko nga pala noong mag jowa pa kami at hindi pa kami live in prinangka ako ni MIL na ayaw niya daw sa akin at maraming masasakit na salitang nasabi sakin. tapos nitong nabuntis at nanganak ako bumait naman sakin pero habang lumalaki si baby bumabalik po yung dating pakikitungo sakin. Kaya everytime po na hawak ni MIL o bunsong kapatid ni LIP si baby ko gusto ko ng kunin agad. Madamot napo ba ako sa lagay na yun? need kopo Sana ng advice. Respect my post po salamat

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply