Naiinis ako, ano ba gagawin ko?

Nakatira kami sa bahay ng mil ko, ewan ko ba naman mabait naman ang mil ko pero naiinis ako sa kilos nya. Naiinis lang ako sa kanya kasi hindi sya marunong maglinis ng bahay,( naglilinis po ako at hindi inaasa sa kanya. Ang sakin lang sana naman ma maintain yung kalinisan) mag iisang taon na ako dito pero ito parin ang issue sakin. Diko naman sinasabi sa mil ko yun pero sinasabi ko sa lip ko. Ito po kasi, kapag gumamit ng cr yung mil ko hindi sya nagbubuhos ng ihi nya kahit nga may regla sya eh nandun lang po sa bowl yung dugo syempre ang dugyot naman(simula ng tumira ako dito ako lang naglilinis ng cr at never ko pa sya nakita na naglinis nito). Hindi ko lang naman sya dyan nakakakitaan ng kadugyutan (sorry sa word) as in sa lahat ng gawaing bahay. Ano po ba gagawin o dapat ko po bang sabihin sa kanya yun? Nahihiya naman po kasi ako. Nakikitira lang naman kasi kami😥

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

siguro, asawa mo magsabi sa nanay niya. halimbawa, kapag asawa mo nakakita ng hindi binuhusan na bowl, sabihin nya, "ma, ikaw ba ay nakakalimot magbuhos ng bowl? pakibuhusan naman ma."

4y ago

sinasabi naman po nya pero ganun lang din paulit ulit, walang pagbabago😓

walang ibang sagot kung hndi bumukod

4y ago

wala pa naman po kasi kaming kakayanan bumukod, kasi si lip lang ang nagttrabaho at 2 months palang baby namin inuuna pa naman mga pangangailangan ng baby namin. Yun din po ang gusto ko pero sinabi ng lip ko na hindi naman ganun kadali mag patayo ng bahay.