Paano kayo humanap ng yaya?

Hello ! Gusto ko sana malaman para sa mga working moms / parents kung sino ang nag alaga sa baby niyo nung back to work na kayo? May experience ba kayo na d kaya mag bantay ng parents or in-laws niyo kaya nag hanap kayo ng kakilala? Pashare naman po. Ang hirap kasi mag tiwala ngayon wala kami mahanap kahit tiyahin both sides wala available panay working ๐Ÿฅฒ Napapaisip na tuloy akong mag resign nalang if hangang end ng ML ko wala padin kaso iniisip ko din naman ung asawa ko mapuounta sa kanya lahat ๐Ÿ˜ซ๐Ÿ˜–

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Para sa akin, kahit na nandyan lang nanay ko or in-laws ko, I prefer na may yaya pa rin si baby para bonding-bonding na lng sila kay baby, at yung mahirap na trabaho ay sa yaya pa rin. At the same time, mababantayan rin nila si yaya, lalo na kung bago pa lng at hindi ka pa kampante. Nung naghanap ako, syempre referral muna sa kakilala. Then may informal interview din, setting out the rules and expectations. I gave her 1 month para malaman kung ok ba sya, at kung ok rin sa kanya magiging trabaho nya. Hiningan ko sya ng valid ID at brgy clearance. Better rin if mahingan mo ng police at NBI clearance, ikaw na lang ang magbigay ng panggastos nya for the expenses sa processing. In that way, alam rin nya na hindi sya pwede basta magloko sayo. Thankfully, ay sobrang swerte namin sa nakuha naming yaya. Btw, stay out lang sya, and nasa province kami.

Magbasa pa