Slapping
Hello gusto ko pong humingi ng payo,we have a 12 month old baby boy, natutunan nyang mg slap ng kahit anu at khit sinu, kapag may kumarga sa kanya bigla nlng nyang cinasampal sa mukha at natutuwa nman xa, anu po kaya ang pwd nming gawin mg asawa,
hello mommy. ganyan din ang daughter ko before, sa case naman ng baby ko nangungurot siya.. siguro mga 1 and a half year old na ang baby ko nun.. hindi nananakit ang baby ko pero simula nung palagi siyang kinukurot ng playmate niya na kapitbahay namin (nalaman kong kinurot siya kasi minsan nagtu-tuklap na yung balat niya sa kurot or buma-bakat) nag-start na din sya mangurot ng kahit na sino even me! Ang ginawa ko lang, whenever na nangungurot siya hahawakan ko yung hands niya tapos iki-kiss ko and paulit ulit kong sinasabi na, "that's bad, don't do it again okay?" tapos iki-kiss ko ng paulit ulit yung hands niya hanggang sa nawala na sakanya yung pangu-ngurot. tyagaan lang mommy.. for sure nakita niya yan pananampal kaya niya ginagawa din.. much better din mommy if iiwas muna siya sa panonood lalo na't pang adult.. 🙂
Magbasa pathats natural. base po sa pinag aaralan naming mga teacher, lahat itatry nila. hawak kung saan. palo o kurot. sasabihan nyo po na bad yun. hindi pwede yun. wag nyo po papaluin kasi lalo yan matututu mamalo. saka po pala pag sinabihan nyo wag pasigaw matututu mag sigaw. kalma lang po. tapos ipakiwanag nyo po ng dahan dahan. ganun lang po lagi. yakapin nyo po pag di parin tumigil. sabihin nyo na magagalit na kayo at di na sya papansinin.. mga ganun po. titigil rin yan gaya ng anak ko. wag nyo po sasalitaan ng masakit kasi tatatak yan sa pinaka small part ng brain nila at yun magiging foundation ng ugali nila. ingatan po ang mga nakikita at naririnig ng bata.
Magbasa paMinsan po kasi sa napapanood niya o may ginagaya sya. Sa paningin kasi nila lahat tama kaya gagayahin po. And minsan rin kaya paulit ulit nila ginagawa kapag yung nasasampal tinatawanan yung nagawa ni baby kaya mas natutuwa po syang gawin yun. Ganun din po kasi dati yung baby namin, tinatawanan namin until sa umabot na ibang tao na ying nagagawan nya ng bad behavior so ini-stop na namin ang tawanan sya and start to tell her na not to do it kasi bad yun, magagalit saknya ang ibang tao, mapapalo sya (sinample saknya yung palo, pero di malakas). Ganun po. Natigil naman po yun.
Magbasa paHi mommy! Baka po may nakita or napanood cya na sinasampal kaya ginagaya nya. Usually sa mga babies na 12 months old nag imitate kc cla ng mga gngwa ng mga tao sa paligid nila. With my baby pag may nakita cya na gnwa ko at feeling nya ok lng gngaya nya kaya misan pag nakikita ko na may gngwa cya na mali nag aask ako agad sa mga kasama nmin sa bahay kung tinuruan or may napanood cya. Dpat at this early age turuan na sila tama or mali para hndi nila kasanayan.
Magbasa paPromo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-102085)
I think it’s better if ipa check nyo po sa pedia. It’s better to be safe po para magabayan naman po ng maayos ang anak nyo